What's new

Trivia | PAGBABALIK NI KRISTO, MAKIKITA BA NG DALAWANG MATA? |

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,560
Reaction
7,218
Points
2,570
narito ang kanilang pagbabasehan;

Gawa 1:9,10,11
9Pagkasabi nito, iniakyat siya sa langit habang nakatingin sila, at isang ulap ang tumakip sa kaniya kaya hindi na nila siya nakita.
Habang nakatitig sila sa kaniya noong paakyat siya sa langit, bigla na lang na may nakatayong dalawang lalaki na nakaputing damit sa tabi nila, at sinabi ng mga ito: “Mga lalaki ng Galilea, bakit kayo nakatayo at nakatingin sa langit? Ang Jesus na ito na kasama ninyo noon at iniakyat sa langit ay darating din sa katulad na paraan kung paano ninyo siya nakitang umakyat sa langit.”

iyan ang kanilang pinagbabasehan na kung paano nakita ng mga apostoles si Jesus sa pag-akyat ng langit, ganun din daw ang pagbabalik ni kristo, samakatuwid baga'y makikita daw at nananatiling TAO?

pansinin sa verse 11 may binanggit diyan na "Katulad na paraan"
ano ba ibig sabihin niyang "paraan"?
si Jesus umakyat siya sa langit sa "paraan" na hindi kita sa publiko, tanging ang mga apostoles lamang ang nakakakita sa time na iyan.

kaya hindi babalik si Kristo Jesus na taglay ang kaniyang katawang laman, at mapapatunayan pa iyan ngayon, paano?

tandaan! sinabi ng Anghel doon na babalik si Kristo sa katulad na "Paraan" at hindi sa katulad na "Anyo"

sa orihinal na grego diyan ang ginamit na termino ng "Paraan" ay "Tropos" at hindi "Anyo" na "Morphe"

Juan 14:19
"Sandali na lang at hindi na ako makikita ng mundo", pero makikita ninyo ako dahil nabubuhay ako at mabubuhay kayo.

Hindi lang magpapakita si Jesus sa mga apostoles matapos siyang buhaying muli kundi sa kalaunan, sila rin ay bubuhayin niyang muli bilang espiritu sa langit para makasama niya.—Gawa 10:40,41.

pero, baka katuwiran nila ay ang Apocalipsis 1:7 na may sinabi diyan na "makikita si Jesus sa bawat mata ng tao"

ang ibig sabihin ng 'makikita' diyan ay 'kaunawaan', bakit?

dahil sa lumang tipan, maski si Jehova nagpapakita noong pasipitin niya ang sampong salot sa ehipto sa panahon ni Moses, kaya yong mga tao doon sa ehipto ay nasapilitang unawain na kay JEHOVA galing ang salot na iyon.
kaya the same lang din kay Jesus, kapag kumilos na si Kristo bilang Tagapuksang inatasan ng Diyos, mapipilitan ang masasama na ‘makita,’ o maunawaan, na si Jesus ang ginagamit ng Diyos upang hatulan sila.

kaya iyan ang patunay at tamang paliwanag na hindi sasalungat sa nakasulat sa Bibliya.
kaya si Jesus po ay hindi na TAO sa muling pagbabalik niya dito, at hindi rin siya MAKIKITA ng mga TAO.
FB_IMG_1632877919044.jpg
 

Attachments

Back
Top