What's new

Closed "P A G P A S L A N G" ni Joi Barrios pengeng idea

Status
Not open for further replies.

KUROMUEINA

Forum Guru
Elite
Joined
Feb 7, 2017
Posts
1,640
Solutions
1
Reaction
7,506
Points
1,500
Age
26
Guys kunding tulong nga dito.. ang tinutukoy ba sa tula e ang babae sa kwento o kung sa panlipunan.. sabi ng prof ko sa babae daw ang tinutukoy at pede rin naman ang panlipunan? Hirap kasi e ako?ang bigat ng nilalaman ng tula kaya hindi ko ma decipher yung nilalaman?Pengeng hint...

Pagpaslang
ni Joi Barrios

Paslangin ang bawat salita
na humamak sa kasarian:
****, kiri, kerida,
haliparot, talipandas,
putang ina mo.

Tiyakin ang pook, petsa at oras,
lahat ng sandali at pagkakataong
nagnakaw ng pagkatao

ang bawat kataga.
Ihanda ang sandata,
patalim na itatarak sa mga titik
na gumahasa sa kaluluwa,
baril na magpapasabog
sa bawat alaala ng pagkitil
ng puso.

Isagawa ang pagpaslang
sa araw na maliwanag,
sa harap ng lahat.

Hindi paghihiganti
kundi pagbibigay-katarungan.
Pagkat krimen ang pagbigkas
Ng mga salitang
ngayo'’y pinapaslang.
 
1st paragraph... deskriminasyon sa kasarian lalo na sa kababaihan

2nd par...na pwede mangyari anumang oras araw at lugar

3rd par...na laging maging handa at supilin o ikundena mga ganitong masasamang gawa na nagpapababa sa pagkatao

4th... at ipamulat para maliwanagan ang lahat

5th...at bigyan hustisya ang bawat biktima ng ganitong systema

Charot😂
 
Wala kasi akong makuha pag sa idea ng bang babae e, pede rin sya i intrepret sa pang babasto"pagpaslang"... Mas maganda ata yung sa pag patay sa isang tao...
 
Ang sabi kasi sa una paslangin ang bawat salita na humahamak sa kasarian sabay mention mga pang babae

Walang papatayin na tao kundi yung diskriminasyon lalo na sa kababaihan

At ayun nadin sa panghuli ay katarungan at hindi paghihiganti
 
Sige sige salamat
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top