_The_Pawn_
Eternal Poster
(Disclaimer: Long post ahead pero sana may makatulong)
Ang nangyari kasi ay noong bagyong Odette, naputol ang mga cable ng Converge at isa kami sa affected. Nag follow up ako sa Converge weeks and months after ng bagyo.
Nagsubmit ako ng maraming tickets at naka-ilang tawag narin sa hotline nila pero hindi nila kailan man inayos ang connection namin, hindi rin nga sila tumawag man lang para i-confirm kung ano na status ng connection namin.
Kahit ganun paman, nagtyaga parin akong mag follow up hanggang sa umabot na ng 5 months at nag decide kami na mag try ng ibang paraan. May napagtanungan kami na installer ng Converge at sabi nya mas maigi daw na mag apply ng bagong account kasi mas mabilis ang process kaysa hintayin na maayos ang line. Nag try kami mag apply ng bagong account (same address pero this time nakapangalan sa partner ko) at totoo nga, mabilis nakapag install (about 1 week).
Yung old modem ay pinalitan ng bago at nakapangalan na sa GF ko yung billing (take note that same address at same line lang ito sa old account ko, may naputol daw line malapit sa box at yun ang inayos ng nag install).
At dahil working na yung newly installed account ay nawala na sa isip ko ang old account ko. Ang nangyari, nagtuloy-tuloy pala ang billing ng old account kahit hindi naman nila inayos kahit napakaraming tickets na ang nasubmit ko, wala rin ginawa ang CS agents nila sa phone kundi advice to wait. Take note, never ako nakareceive ng phone call or text or email na nagsend sila ng field technician para icheck ang line namin.
Ang tanong ko ay obligado ba akong magbayad sa months na hindi ko naman nagamit ang service kasi nasira at hindi nila inayos? (From December - Present)
I tried to submit a recent ticket to request to close/disconnect my account pero ang response is kailangan ko bayaran ang current balance plus remaining months sa lock-in period na 2 years. For me, unfair naman kung pababayaran nila ang current balance (12k+ accumulated from December to present) kasi hindi ko naman nagamit service sa period na yun.
I tried submitting a complain sa NTC pero wala naman response sa Email.
Sana po may makatulong. Badly need your advice. Maraming salamat
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.