What's new

Closed Need Help! May Problema Ako!

Status
Not open for further replies.

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Elite
1.jpg

GTX 580m 2gb

based sa nakikita niyo, ayan yung output based sa ginawa kong pag gpu beachmark.
default lang yan,
core: 620
shader: 1240
memory: 1500

ang problema, ay ito., sa furmark kahit ilang oras pa siya nag pprocess,. hindi nag bblackscreen pc ko. which is given yun lalo na pag sobrang init o heat temp ng gpu.
ang kaso, pag nag ttekken 7, gta 5, naruto storm 4, ( lahatin ko na, kasama minecraft " All low to normal settings ' ) . wala pang isang oras, blackout na pc ko, tapos mag tturbo boost yung fan sa cpu at sa gpu.

ang thermal compound na gamit ko ay Deepcool Z3. ( hindi ako gumagamit ng gray paste like yung sa cdr king, o yung nabibili na tig 50php, kasi imbis lumamig system ko, umiinit lalo, )
bumili narin ako ng thermal pads, para palitan yung mga thermal pads na tuyo at sira-sira na sa loob ng system ko.
naka vacuum cooler narin ako, baka hindi sapat yung fans sa loob ng system
and everytime na ioopen ko yung system ko,. need ko muna iaccess yung " fn+1" function, para magbboost yung fan sa cpu at gpu, less heat temp.
by the way, nag flash narin ako ng updated na bios, sa stock bios din kasi galing yung problema ko kaya nag update narin ako ng bios, baka sakali.
updated din graphic card ko, into latest version. ( nag try narin ako mag outdated drivers, pero still ganun parin ang problema )

as of now, para maging stable lang ang gaming ko, based narin sa google, need ko mag underclock which is gamit ang msi afterburner, then ang settings ko ay
core: 550
shader: 1100
memory: 1500

ang kaso , nag bbug at glitch na ang graphics ko niyan, hindi din stable fps ko, kahit sa gta 5 at tekken, low settings, low fps: 20, high fps; 55

itong thread ko na to, ay para pauhan niyo ako. kahit ano, kung may bibilhin pa ba ako, papalitan , even kung may gagawin man akong tweaks,

salamat.
 
Attachments

Last edited:
Try mo muna buksan ang case ng pc mo kung heat issue nga talaga ang problema at check memory kung sapat ba.
nakaopen na boss eh, hindi masyado kalamig yung area ko, pero naka electricfan narin ako, tapos naka vacuum cooler na system ko. sa memory naman,. ang max nito ay 16gb, pero ang gamit ko ngayon, nasa 14gb palang,
 
Hmmm .. GPU issue na yan sir . . ganyan din issue ng saken pag nag oopen ako ng games black screen BSOD. . . kelan pa yang gpu mo boss bato? mukhang palitin na . . :(
almost a year narin paps, pero bat ganun,beachmark kahit ilang oras pa, 6-8 hrs, sa furmark, 1080p @ max settings, hindi ako nabblackscreen, pero pag tekken 7, gta5 even minecraft, 30 minutes ko palang nalalaro, blackscreen na agad., low settings pa yun kaya hindi ko nafforce yung gpu, unlike pag furmark, narrreach ko ang 95-97°c na heat temp pero hindi bumibigay gpu ko.,
 
Sir imonitor mo yung temp ng cpu habang nag lalaro ka. Kasi sa gpu lang ata naka focus yung furmark.
na stress test ko na pati cpu paps eh, even checking memory at baka daw sa memory ko na via memtest, passed naman lahat,
 
Medyo nag-alangan ako magbigay ng payo kasi baka typo lang yung M sa GTX 580M. Anyway, malakas pa ba ang ikot ng built-in fan ng Laptop mo? Buksan mo yung case ng Laptop tapos switch on mo. Kung may temperature monitoring software ka, obserbahan mo ang temperature ng CPU at GPU mo (whether busy o hindi) tapos tignan mo kung ano ang reaction ng built-in fan. Kung mabagal na ang response ng built-in fan, baka kailangan na palitan yan.

P.S. Kung wala ka temperature monitoring software subukan mo You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Download mo yung Portable, pwede gamitin kahit walang install. Run mo yung program, tapos open mo ang Sensor window (right-click mo tray icon malapit sa orasan).
 
gtx 580m yan boss, for laptop. 😊 , ang cpu temp around 45-53°c , idle at kapag ginagamit na., sa gpu naman., pag gaming umaabot minsan sa 80-85, tekken 7, 60 sa gta5 at 50 sa minecraft., pag idle naman minsan napalo ng 38°c , ayan na yung pinakamababang narreach ng gpu ko., sinasabayan ko din ng vacuum cooler.
 
Mas mabuti siguro kung ipatingin mo na ang Laptop mo sa technician. Halos lahat ng basic troubleshooting nagawa na kaya kailangan lumipat na sa advanced troubleshooting. Pero malakas kutob ko sa built-in fan ang problema. Kung hindi naman ang built-in fan, baka sa adapter. Normally, nangyayari lang ang black screen kung kulang o sobra ang voltage na naibigay. In any event, technician lang ang makapagsasabi.
 
thanks sa info paps, oo paps, lalapit ko nalang siguro sa tech, hindi din kasi ako msyado aware pagdating sa board problem, basic troubleshooting lang., 😊
 
Basta sabihin mo na lang sa technician ang lahat ng nagawa mo na basic troubleshooting para mas mabilis nila makita ang problema at para hindi kayo magtagal. Kapag hindi mo kasi sinabi ang mga basic troubleshooting na nagawa mo na, may chance na ipaiwan nila ang Laptop mo dahil baka matagalan ang pag-diagnose.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top