What's new

Help Need advice po. (About sa Axie)

Petmalupet001

Honorary Poster
WARNING: Sobrang Haba po.

Ganito po kasi yan, nalaman namin yung about sa axie nun mga 30k palang bentahan per team, naikwento din po namin sa iba. Merong hindi naniwala kasi baka daw scam etc. Etong si (tawagin nalang natin sa pangalang "Marites") isa sya sa hindi naniwala, tapos kelan lang yung katrabaho nila nag kwento about sa Axie na kesyo ang laki daw ng kinikita ng anak nya sa pag iisko. (15k) Ngayon si Marites naniwala na sya na totoo daw pala tapos nainggit sya. Sabi nya samin, sya daw bahala sa pera basta ako bahala humawak sa Axie (medyo may alam po kasi ako sa palitan sa binance) nung una ayaw ko pumayag kasi nalaman ko na iuutang nya lang yung pambili sa Axie tapos hindi pa ako sigurado kung kikita ba sya or what ganun yung iniisip ko. Pero gusto talaga nya basta sya daw ang bahala sa pera, edi okay na naka bili na sya. Sakin nya pinalaro, unang cashout ko nun is nasa 21k (11 pesos per slp) pero wala akong kinita dun ni singko, binigay ko sa kanya lahat kasi nakiusap sya na hindi muna daw ako sasahod ibabayad daw muna sa inutang which is yun yung pinambili nga sa team. Pumayag naman ako tapos nun naulit pa yan ilang beses ako di sumahod yung kinita ko ginawa nya pinambili nya ulit ng team pero kulang pa yon pera kaya pinangutang nya. Tapos pina isko nya sa iba naman, medyo tinatamad na ako nun mag laro (may pagka chops din kasi yung team ko). Ginawa nya pinasahod na nya ako siguro para ganahan ulit mag laro, tsaka medyo bumababa na yung palitan nun, ayaw nya mag cashout, yung kina-cashout ko lang is yung sahod naming isko, pero sa kanya ayaw nya, ipunin lang daw. Ngayon bumili ulit sya ng isa pang acc. Inutang lang din nya ulit yung pinambili. (Yes baon sya sa utang kakabili ng axie, dahil ayaw din nya mag cashout) duon medyo kumontra na ako kasi nga alam ko malaki pa utang nya, ilan beses ko sya sinabihan na bayaran muna utang bago sya bumili ng bagong team pero ang sagot nya lang is "Kaya yan, ako bahala etc".. edi Naka bili na sya ulit ng bago, di pa rin sya nagka cashout nun kahit hirap na sya mag bayad sa mga inutangan nya. After non bumili ulit sya para sa anak naman nya mas mahal yun kasi yun yung usong team nun dahil mas madalas kang panalo kesa talo. (Sorry naka limutan ko na tawag sa mga axie team) Yung Slp ng anak nya umabot sa 14k non pero di nya kina cashout talaga siguro nasa 3 pesos pa ang palitan non, ngayon nasa 19k na total ng Slp ng anak nya. Sobrang bumagsak yung Slp.. Wala sya kinita baon pa sya sa utang tapos ngayon kami ang sinisisi nya kesyo inuto lang daw namin sya sa axie etc. Yung axie nya hanggang ngayon nasakin pa yung slp nya kahit amagin pa hindi ko pinakekelaman gusto na namin ibigay sa kanya yung axie nya pero ang sagot nya aanhin daw nya yon (wala kasi sya alam duon). Tapos sinabi nya wala daw makikinabang sa axie nya. Kung man loloko akong tao sana ninakawan ko na sya sa slp nya non inabot nya pa yung 5 pesos na palitan pero ayaw nya mag cashout. Gusto yata nya pag cashout nya instant millionaire sya 😅

Ano po ba dapat kong gawin sa axie na to? may parte din ba kaya ako dito kung sakali man biglang tumaas yung slp.

Sorry kung magulo kwento, nakalimutan ko na din kasi yung eksaktong price per team na nabili nya at kung mag kano pa palitan non pati mga tawag sa team like chopsuey etc di ko na din alam..
 
Kung susumain lahat ng sakripisyo na ginawa mo talagang may part ka sa SLP pero sa ugali ng "Manager" mo mukhang maliit lang magiging parte mo
 

Similar threads

Back
Top