Nasa isang relationship ako ngayon na sobrang extrovert ng partner ko, halos lahat ng mga kaibigan niya puro lalaki at everytime na nakikipag-usap siya (kahit hindi siya kinakausap o pinapansin siya na mismo gumagawa ng paraan para magkausap) nararamdaman ko na parang mas excited pa siyang makausap sila. Clingy siya pagdating sa akin pero nararamdaman ko na parang baliktad yung pagtrato niya, na parang kaibigan lang ako. Hindi ko alam kung tama ba na nagagalit ako o mali talaga mindset ko pagdating sa mga ganoong bagay. Galing ako sa past relationships na sobrang friendly din yung girl to the point na nabasa ko nalang sa account niya na sumasama siya sa ibang mga lalaki ng hindi ko alam. Naranasan ko na din na magamit ng isang babae making me think na mayroong kami pero in the end meron lang palang inaantay na bumalik. After that, sobrang negative na ng mindset ko. Nilamon na ko ng pag-iisip to the point na tinanong ko current partner ko na what if meron siyang kausap, na dini-delete niya lang mga convo/messages para hindi ako magalit. At one time, pinagsabihan ko din siya na sana huwag siyang maging friendly masyado sa iba lalo na sa mga lalaki at nagbigay siya ng assurance pero after a couple of weeks, parang bumalik lang sa dati. Siya ulit nagi-initiate ng conversation sa iba. At ngayon, dumating na ko sa punto na pinagsabihan ko na siya pero never akong nagalit. Sinabi ko na bakit parang unfair tapos ang ending ako pa naging mali, at ako pa nagkaroon ng kasalanan at nagsuyo.
I need your help and advice, hindi ko na kaya. Pagod na ko sa sarili ko.
I need your help and advice, hindi ko na kaya. Pagod na ko sa sarili ko.