What's new

Need advice ng mga babae

XxFloaTxX

Addict
Joined
Aug 25, 2018
Posts
185
Reaction
27
Points
116
Age
29
7 years and counting na kami ngayon.
Nung 3 years or 4 years kami non madalas away namin naghiwalay almost 2 months nalagpasan namin. Then itong time na ito 7 years dumating na namin kami sa scenario na ganon may mga pagkakamali din ako para kanya at inaamin ko yon.
1. Hindi na ko nakakapag update pag nakakapasok ako sa work hindi naman madalas walang update kasi normal pagdating ko planta sabak agad sa trabaho( nawalan ako ng gana gumamit ng phone specially mag facebook wala na)
2. Lagi ko syang pinag susuot ng short na disente pag lalabas. ( In short ayaw ko ng sobrang ikle) may naging kaso din kasi na nabastos sya as in hinipo at nasa court ito kaya sobrang selan ko pag dating tlga dito.
3. Di ko sya tinatawag ng BABE in person ( reason ko gusto ko ireserve yon after wedding na gusto ko ibigay yon sa maging wife ko) as in hindi ko sinasabi itong reason kong ito dahil ito yung gusto ko na pangbawi ko after all mistakes na ginawa ko sa buhay ko
4. Naging masyado akong naka focus sa goal ko sa buhay para samin ( nag set ako ng goals para samin nakikita ko sya na yung mapapangasawa ko, nag lagay ako ng mas malaking funds sa Pag-ibig, project ko additional mp2 pa) hindi ko pa sinasabi sa kanya kasi balak ko after wedding
5. Pag nag aaway kami nasasaktan ko sya sa mga sinasabi ko ( sobrang maramdamin nya isang maling word na "pasan ko lahat" mga genyan)
6. Sobrang controling ko ( hindi ko ito masabi dahil pinapayagan ko naman sya gumala or kumain kasama kaibigan nya)

Lahat ng sasabihin nyo ay tatanggapin ko, kasi alam ko nag kamali ako.

BTW, magkaiba kami ng kinalakihang pamilya ako na nakaranas ng may kaya sa buhay sila na kailangan kumayod (working student), kaya minsan iniisip nya na sobrang hirap pakisamahan ng family ko, lagi nyang minamaliit yung sarili nya na kahit sinasabi ko naman na kami minsan ng din nakaranas ng kahirapan. Gusto nya na pag naging mag asawa kami gusto nya meron din syang ipagmamalaki sa amin, na wala naman masama sana pero sakin kasi wala akong magawa kundi sabihin na nagsikap din sila sa buhay kasi yung mga kapatid ko. Minsan may time na naiinvolve ang pera na ayaw ko tlga pag awayan ito kasi ayaw ko na magiging maliit sya sa paningin nya. Kasi lagi kong sinasabi na kailagan ko mag ipon para sa amin 28y old na ko at sobrang nag seset na talga ko para samin. Magkasama na kami sa iisang bahay alam din sa part ng family nya. Dito namin nakikita mga ugali namin at ito rin yung part na may mga time na suma sama ang loob ko sa kanya.

1. Ayaw nya ng kino control ko sya sa mga bagay na bibilhin kahit hinihingi nya yung opinyon ko. ( pero natutunan ko na ito intindihin sya)
2. Hindi sya nagsasabi sakin pag may mga lakad sya na kasama ako ( outing bigla ko na lang malalaman na may mga pupuntahan pero sakin kasi dadating ka ng bahay pagod bubungad sayo na ganon kahit hindi pa ako natatanong.
3. Hindi sya nahingi ng sorry sakin kapag may mali sya as in kelangan ako ang lalapit (dito tlga ako sobrang napapagod hindi sya nagbibitaw ng sorry sakin iiyak lang at ako maawa naman)
4. Pinipisikal, dinuduro , mura ,tinatapon yung mga gamit tuwing mag aaway kami ( dito may trauma na ako sinabi ko na ito sa kanya at nakita ko tlga ito nung nagsama kami) kina usap ko na sya tungkol dito pero minsan nangyayare pa rin tlga.
5. Nilalaglag nya ko pag alam nyang masisira sya or mapapahiya sya. ( ito tlga yung time na na trigger na ko na parang mali na ito)
6. Sobrang liit ng tingin nya sa sarili nya pag magkasama kami at sa circle of friends ko na kahit ako umiwas sa mga kaibigan ko na.
7.

Wala ako intensyon na hanapan sya ng mali pero ito kasi yung madalas na nangyayare tuwing nag aaway kami.

Hindi ko masabi kung recent ito or sobrang tagal na pangyayare na ito pero ito kasi yung pina pinang huhugutan ko ng sama ng loob ko.

Last Oct. 2022 night shift sya nagpaalam na kakain sya sa labas kasama nga ka work nya so bago pumasok sya kakain after papasok sya,nasa office pa ako nito 9pm then ito may tumawag sakin ka office nya na lasing na lasing daw at hindi na makatayo,
nagkataka ako bakit nasa inuman? Eh ang alam ko papasok?
Sabi ng ka office mate nya ipapahatid sa katrabaho nyang lalake mag isa lang, saan daw pwede ibaba. Dito na lalo nag pantig yung tenga ko
Sabi ko dun sa babae na natawag sakin bisor daw sya ng gf ko, "Bakit ipapahatid mo sa lalake pa bakit hindi ba pwedeng kayo ang mag hatid?"

Lasing na daw yung bisor nya na babae at ang layo ng pag hahatidan nya yung lalake kasi sa route lang din namin na bahay.

So sabi ko pag may nangyare dyan kayo yung hahanapin ko. Pero ako sinundo ko pa rin tlga gf ko nung time na yon kasi ayaw ko na may mangyare sa kanya dun mas lalo kami nag kasagutan ng bisor nya kasi para sakin kahit na ginusto ng gf ko na uminom bakit niyakag nya kahit walang tao doon sa planta?

Dito na ako nanlabo sa gf ko nung time na yon kasi may nalaman pa ko na may hinalikan daw na waiter hindi ko alam kung biro ba ito or totoo nabasa ko lang kasi sa viber nya. Hindi naman daw ito totoo.

Sobrang sakit ayaw ko kasi tlga sa babae na nag iinom at kilala ko sya na hindi tlga sya ganon, gusto nya daw kasi maranasan yon. Sonrang hirap makikita ko na inaakay ko walang malay. Dito tlga ko na turnoff at may mga reason tlga na nakikita ko sa kanya na iba tlga na sya.

Then nag usap kami noong time na yon na hayaan muna ako mag move on dahil sobrang stress ko tlga nung time na yon may exam ako sa PRC 1.5 weeks before mangyare yon. Bumagsak ako dahil kasama yung lutang ang utak ko bumyahe ako noon na mag kaaway pa din kami kahit halos 1 week na nakalipas.

Then ito sumama sya sa outing pinayagan ko hindi na daw mauulit hanggang sa naulit ulit over night. Ngayon naman mauulit na naman 2 days dito na nga yung sinamo ko ng di ko alam kahit ayaw ko sumama dahil sa nangyare.

Nawala kasi tlga na yung tiwala ko sa kanya kahit 2023 na dahil sa nangyare. Sobrang dami kong hinanankit na kahit ngayon nangyayare pa din yung issue na to pinanghuhugutan ko. Marami beses ako nag sabi na hinay hinay muna tlga sa outing na kasama mo sila kasi nawala yung tiwala ko sa kanya sinasabi ko sa kanya pero tuloy pa din.
 
convo- ung mga pagkakamali na ayaw mo, at kung meron syang gustong sabihin para magwork ung relationship.

tignan mo kung magwowork pa, kasi ung time sayang din.

ikaw na desisyon mo yan, consider nyo mag vacation once at a time. (BIGAT ng kwento mo lods.)

about sa paglalasing lods, paguusapan nyo talaga yan ng mabuti.
 
Ayoko lang kasi na maging one sided kasi kaya ko sinabi din mga mali ko. Consider ko talaga ito yung once outing pero sa nangyare talaga parang nang pinanghinaan ako. Nagsasama na lang kami sa bahay na parang kailangan dahil both sides alam na magpapakasal kami
 
Mahal mo? ipaglaban mo!
 
pag usapan nyo ng mabuti ts, nakakabahala dyan is yung paglabas nya tapos puro lalake at lasing
 
Mahal mo? ipaglaban mo!
Kaya ko naman kaso space muna siguro
pag usapan nyo ng mabuti ts, nakakabahala dyan is yung paglabas nya tapos puro lalake at lasing
Oo andun na ko sa point na kinausap sya hindi na nya "siguro ginagawa" pero hindi ko alam kasi kahit na sabihin ko na ibuild up ulit nya yung tiwala ko andun pa din yung laging overnight ang gusto na outing
 
Kaya ko naman kaso space muna siguro

Oo andun na ko sa point na kinausap sya hindi na nya "siguro ginagawa" pero hindi ko alam kasi kahit na sabihin ko na ibuild up ulit nya yung tiwala ko andun pa din yung laging overnight ang gusto na outing
okay lang overnight basta kasama ka
 
okay lang overnight basta kasama ka
Nagkaron na kasi ng issue doon sa mga kasama, actually sila yung kasama sa inuman na sinamahan nya ng outing lagi na overnight so ako para sakin ano ang ihaharap kong muka? Sila yung naka sagutan ko
 
Nagkaron na kasi ng issue doon sa mga kasama, actually sila yung kasama sa inuman na sinamahan nya ng outing lagi na overnight so ako para sakin ano ang ihaharap kong muka? Sila yung naka sagutan ko
so may problema talaga sa partner mo lods dapat iwasan nya na mga ganun senaryo lalo na may away na pala naganap .
 
Hirap ng ganyan Lods. yung naiisipan mo nang Lumagay sa Tahimik pero biglang may problema naman sa partner mo.
 
Dissecting.
-From the start is naging possesive ka sa kanya which is not good. Ok lang sana sinabi mo this is my boundaries sa relationship pero di talaga ok yung controlling ka which is tama naman yung gf mo paps. Most of the time controlling leads to toxic relationship.
-Yung nanliliit sya sa sarili nya sign na yan ng insecurities at maybe may pinagdadaanan sya. Tinatanong mo ba sya kumusta na sya or may pinagdadaanan sya na problema? Maybe kulang kayo ng communication.
-About sa di paghihingi ng sorry if ever na may kasalanan sya at pagtapon ng mga bagay bagay sayo i think sina sabotahe na nya yung relasyon ninyo at siguro takot lang sya makipag hiwalay. Siguro hindi man lang sana may ibang nagugustuhan na sya ng lalake o gusto nya na maging single o patay na yung feelings na nya sayo.
Problem
-Masyado kang controlling to the point na parang pagmamay ari mo na yung tao. Tansyado pa na insecure yung gf mo kaya siguro sumabog.

Solution
-If ever man ma fix mo ito. Mag set ka ng boundaries sa kanya. Whatever man yung boundaries mo like pag u update o other things na naka list sayo. Dapat sinasabi mo yun without throwing na kino control mo sya. Kung di nya nirespeto ang boundaries mo siguro di talaga kayo para sa isat isa.
-Control your emotions. Pag sinabayan mo yung drama nya gulo talaga yung aabutin. Nakikita ko ts na di mo ma control yung emosyon mo. Dapat cool kalang kung kinakausap mo sya.

Advice for men.
Pairalin yung free will sa relasyon at dont be controlling you dont own any women in this world. If your women doesn't respect your boundaries mas mabuti na makipag hiwalay ka nalang.
 
Well totoo nmn may mga pagkakamali ka. Pero ang pinakamalaking pagkakamali ay ang mga sumusunod:
1. pumili ka makisama sa tao na ibang iba ang kultura sayo. Iba ang pangarap, iba ang vision sa buhay, pero at the same time umaasa ka na magbabago sya ng kusa through being loyal sa relasyon nyo. Sakit yan ng mga Pilipino naniniwala msyado sa romanticsm.

2. Kahit hindi kayo kasal, itinali mo siya sayo na para bang asawa mo na siya. Tingin ko sa point of view niya, wala na siya ma-look forward na improvement sakanya kung ikasal man kayo. Isang formality ritual nlng ang kasal.

3.(eto hindi ko sure kung totoo), pero posibleng dahil sa relasyon nyo, inadvertently mo pinagkait sakanya ang buhay dalaga. At baka dumating siya sa point na nagccrave siya sa mga karanasan na ito.

Mahirap mag advice kung ano dapat mo gawin. Msyadong mahabang panahon ang 7 years para ngayon ka pa maghanap ng red flags. Mapapayo ko nlng sayo, timbangin mo maigi kung worth pa ba panghawakan ang ganyang relationship based so logical na mga bagay. Wag na sa emotional dahil ligwak na jan.
 
Hirap ng ganyan Lods. yung naiisipan mo nang Lumagay sa Tahimik pero biglang may problema naman sa partner mo.
oo nga e, gusto ko man lumagay sa maayos na sitwasyon sa buhay
Daming RED FLAG paps sa totoo lang
di ko masabi mam kasi ibat iba tayo/ kayo ng komento
Dissecting.
-From the start is naging possesive ka sa kanya which is not good. Ok lang sana sinabi mo this is my boundaries sa relationship pero di talaga ok yung controlling ka which is tama naman yung gf mo paps. Most of the time controlling leads to toxic relationship.
-Yung nanliliit sya sa sarili nya sign na yan ng insecurities at maybe may pinagdadaanan sya. Tinatanong mo ba sya kumusta na sya or may pinagdadaanan sya na problema? Maybe kulang kayo ng communication.
-About sa di paghihingi ng sorry if ever na may kasalanan sya at pagtapon ng mga bagay bagay sayo i think sina sabotahe na nya yung relasyon ninyo at siguro takot lang sya makipag hiwalay. Siguro hindi man lang sana may ibang nagugustuhan na sya ng lalake o gusto nya na maging single o patay na yung feelings na nya sayo.
Problem
-Masyado kang controlling to the point na parang pagmamay ari mo na yung tao. Tansyado pa na insecure yung gf mo kaya siguro sumabog.

Solution
-If ever man ma fix mo ito. Mag set ka ng boundaries sa kanya. Whatever man yung boundaries mo like pag u update o other things na naka list sayo. Dapat sinasabi mo yun without throwing na kino control mo sya. Kung di nya nirespeto ang boundaries mo siguro di talaga kayo para sa isat isa.
-Control your emotions. Pag sinabayan mo yung drama nya gulo talaga yung aabutin. Nakikita ko ts na di mo ma control yung emosyon mo. Dapat cool kalang kung kinakausap mo sya.

Advice for men.
Pairalin yung free will sa relasyon at dont be controlling you dont own any women in this world. If your women doesn't respect your boundaries mas mabuti na makipag hiwalay ka nalang.
1. Pinapayagan ko naman sya actually, ngayon ko lang kasi sya pinag hinayhinay kasi nakita ko yung side na ganon.
2. Ito totoo talaga ito kasi lahat ng hirap nya sa buhay sya kumayod sa buhay nya simula student to professional.
3. Tingin ko sign yon na sobrang nagagalit ka wala naman akong nakikita na sinasabotahe nya yung relasyon namin, hindi ko nakikita yung patay na yung feelings siguro gumaganti sya na sinabi nya naman sakin, ako yung part ko kasi kapag galit sya hindi muna ko nag sosorry i explain then hihintayin ko sya huminahaon tsaka ako nag sosorry kasi pag nagsabay talaga wala.
4. Siguro yung point na kala ko sasabay sya sa mga pangarap ko kasi ganon naman kami dati, nito lang na lumipat sya ng ibang company siguro kasi may nakakasama sya sa mga katrabaho nya na may pagkakapareho ng hilig sa mga gawain na hindi ko naman pinipigilan syempre as lalake kailangan ko lang protektahan sya sa mga kapahamakan na lagi kong sinsabi na wag gagabihin etc.
Well totoo nmn may mga pagkakamali ka. Pero ang pinakamalaking pagkakamali ay ang mga sumusunod:
1. pumili ka makisama sa tao na ibang iba ang kultura sayo. Iba ang pangarap, iba ang vision sa buhay, pero at the same time umaasa ka na magbabago sya ng kusa through being loyal sa relasyon nyo. Sakit yan ng mga Pilipino naniniwala msyado sa romanticsm.

2. Kahit hindi kayo kasal, itinali mo siya sayo na para bang asawa mo na siya. Tingin ko sa point of view niya, wala na siya ma-look forward na improvement sakanya kung ikasal man kayo. Isang formality ritual nlng ang kasal.

3.(eto hindi ko sure kung totoo), pero posibleng dahil sa relasyon nyo, inadvertently mo pinagkait sakanya ang buhay dalaga. At baka dumating siya sa point na nagccrave siya sa mga karanasan na ito.

Mahirap mag advice kung ano dapat mo gawin. Msyadong mahabang panahon ang 7 years para ngayon ka pa maghanap ng red flags. Mapapayo ko nlng sayo, timbangin mo maigi kung worth pa ba panghawakan ang ganyang relationship based so logical na mga bagay. Wag na sa emotional dahil ligwak na jan.
1. Siguro nandito na talaga ako sa point na kailagan ko na mag provide, office bahay lang gingawa ko tingigaln ko na yung mga bagay na inom gimik nadaanan ko na kasi talaga nung teenage life ko so parang ok na ko e.
2. Tingin ko ito yung isa ng assume ako na sunod sya sa mga pangarap ko kala ko naayon sya sa mga plano ko nagbago lang talaga ng lumipat sya ng work.
3. Hindi siguro sir e, naging open naman kami sa mga lakad nya kung saan sya pupunta pinapayagan ko sya, ito lang kasi na alam nya na magagalit ako kaya hindi sya nag sabi.
yung nasabi mo dito sabihin mo sa kanya tapos yung sagot nya irelay mo dito para malaman namin side nya
Ganon lang din mam e, sobrang hirap yung tipo na minsan ok ako minsan hindi.
May point na one time tinanong ng papa nya kung bakit ako hindi sumama nitong last na outing nya ang sinabi nya oo nga hindi sumama na alam nya naman na kaya di ako sumama ay dahil sa mga katrabaho nya na nakasagutan ko kaya nasabihan ako ng papa nya na ang labo ko dun kasi ako nagalit . Pero parang sa kanya tama pa din sya wala talaga ako narinig na sorry.
 
Why not cool off muna kayo? Focus muna kayo sa inyung mga sarili and see what it goes. Yes maari na mabago ang lahat pero atleast diba nakapag isip isip kayo na wala yung mga presensya nyo sa isat isa. Kase kapag nagsasama kayo di kayo magka sundo. Sya ma pride then ikaw umaasa ka na mag a admit sya sa mga mistakes nya. Maari pressure lang kayong dalawa.
Since naman kung mag uusap kayo mag le lead parin sa away. Cool off nalang diba?
 
3. Hindi siguro sir e, naging open naman kami sa mga lakad nya kung saan sya pupunta pinapayagan ko sya, ito lang kasi na alam nya na magagalit ako kaya hindi sya nag sabi.
Hindi yan. ibig ko sabihin, naranasan b nya maging dalaga bago siya matali sayo? O ikaw ang una nya? Gaya ng sabi mo inom gimik naranasan mo nung teenage life mo, sya ba kumpleto ang buhay dalaga nya?
 
Parehas tayo naging controlling na bf, halos same scenario walang bisyo si gf pero pinagkaiba lang nung napunta siya sa kamag-anak niya doon lang siya natuto na uminom ng alak (without me knowing).

Pangit talaga sa babae iinom tapos may kasamang mga lalaki lalo na sa ganyang senaryo mo TS.

Kahit siguro ayusin niyo di parin mawawala sa isip mo ung mga nangyari nitong nakaraan, kasi wala ka doon sa mga inuman na pinuntahan niya. Di ka pa sigurado kung yun lang ba lahat ng naganap.

Siguro kaya mas pinipili niyang sumama sa mga katrabaho niya kasi mas nakaka relate siya sakanila, feel niya comfortable siya. Kasi nga diba na iinsecure daw siya sayo sa family at friends mo. Kaya siguro malakas talaga maka Influence mga kaibigan/katrabaho niya.

Nako TS, nasa sayo na iyan. Pwedeng maayos o pwedeng lumala.
 
Similar threads

Back
Top