What's new

Closed "nasasaktan ako kahit walang tayo"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146

Untitled2.jpg


"Nasasaktan ako kahit walang tayo"


Di kita pinara para ako'y pasakayin
Ngunit kailangan ko ang tulad mo para makarating
Kung saan sa lugar, na ang tawag ay ligaya
Kung saan ang lugar, di na ako luluha

Pero inabot ko, isang libong pag-ibig sa iyo
Ilan at san ito? "isa lang po sa puso mo"
Yan ay sagot ko lamang, ngunit tinaggihan mo
Dahil ba kaibigan lang at di mo masuklian ito

Teka lang para na muna sa tingin ko ay di na `to tama
Kahit tandang pananong akin pang kasama
walang kasagutan aking natatamasa
Sa mga katanungan aking inaakala

Pero sige okay lang, tanggap ko naman
Kaibigan lamang itong nilalaman
Ngunit pakiusap sana wag nang magtagal
Ang damdamin kong ito'y masyado nang hangal

Gusto kong bumaba upang lahat ay huminto
Alam kong hindi at malabong maging tayo
Dahil sa sitwasyong driver ka't pasahero ako
Nasasaktan ako kahit walang tayo




Mahirap yung friendzone ka lang
alam mong mahal mo siya pero di niya kaya
di niya kayang suklian yang binigay mong pambayad
pambayad na pag-ibig na tanging para sa kanya lang
siguro malaki masiyado yang ibinayad mo
kaya di niya kayang suklian lalo pat mag-isa ka lang

subalit dapat bang magmokmok ka riyan?
hindi ka ba masaya na sa pagkakaibigan pa lang solve ka na
malaki ang tsansang nakikita mo siya
malabong may tsansang may hiwalayan
sakaling mang meron kayong awayan

mapagbiro ang damdamin
kahit kaibigan mo di mo masasabing
di ka mahuhulog o di ito titibok
di mo sigurado, dahil di mo mapapansin ito
siya yung driver ng isang sasakyan
ikaw naman ang pasaherong napasakay lang
san ba pupunta, sa ligaya ang nais lang
pero hindi mo alam hanggang kaibigan lang.


mahirap pero masaya parte lamang yan ng pagkakaibigan.
hindi mo pwedeng basta husgahan..
ang panahon na siguro ang dapat mong sabayan.


"Friendzone is not the End.. i'ts the beginning"


Mad`PoetMotivator
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top