What's new

Closed Namimiss ko siya

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Hindi ako matahimik sa aking kinauupuan. Tila ba nakadikit na ang aking mata sa orasan na kanina ko pa gustong tumapat ang maikling kamay nito sa numero singko.

Hindi ko rin alam kung bakit parang may kulang sa aking pakiramdam, nakainom naman ako ng gamot pero parang nangungulila ako sa aking kaloob-looban.

Tinignan ko ang aking sapatos na bigay pa sa akin ni kuya, bigla akong natulala at parang naglakbay ang diwa kong mag isa. Medyo matagal na rin pala ang regalo niya, parang kelan lang ng labis na saya ang nadama ng matanggap ang sapatos na ito. Napatingin ulit ako sa aking working table at nakita ko ang litrato namin, litratong talaga namang mapapaiyak ka kapag iyong tinitigan at pinagmasdan. Hinawakan ko at hinaplos ang mukha ng isang babae na katabi ni kuya. Namimis ko na sya. Hindi ko mapigilan ang aking luha na patuloy ang pag-agos at tila ba waterfalls na di natitinag.

Hindi ko man lang nasabi sakanya ang isang bagay na gusto kong sabihin nuon pa man. Hindi ko man lang nagawang ikapit ang aking mga bisig sa kanyang katawan. Ni hindi ko man lang sya napasalamatan sa lahat ng kanyang kabaitan. Gusto kong....
Gusto kong...

Gusto kong...

Gusto kong...


*Dilim...

Medyo hindi ko pa maimulat ng maayos ang aking mga mata. Hindi ko rin alam kung nasa langit na ba ako o hindi pa. Basta ang pakiramdam ko ay parang gumaan na kanina'y parang di ko matandaan.
Teka.
.Bakit andaming tao?
Fiesta ba?
Pero hindi. Lahat sila kakilala ko.

"gising na sya", banggit ng isang babae.

Tumayo ako at pinagmasdan ko silang maige.

Parang..

Parang.

Parang may kulang, pero di ko na hinanap.

Lumapit ako kay ermat at saka niyakap.

"nay, salamat. Mahal na mahal kita"

-sabaw
 
Kund di ka matahimik sa iyong kauupuan tumayo ka..joke:)
Ganda master aabangan ko ang susunod na kabanata sa tula mu keep sharing..ganda
 
Last edited by a moderator:
k_9 said:
Kund di ka matahimik sa iyong kauupuan tumayo ka..joke:)
Ganda master aabangan ko ang susunod na kabanata sa tula mu keep sharing..ganda

marami ding salamat :)


dora the explorer said:
Wow thanks magugustuhan ito ni xander ford

sana nga :):)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 8
    Replies
  • 641
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

Online statistics

Members online
1,128
Guests online
3,399
Total visitors
4,527
Back
Top