What's new

Closed Nakakatawa at nakakasurang pag-ibig

Status
Not open for further replies.

Cee Jay

🧿 𝕾𝖔𝖚𝖑 𝕮𝖆𝖑𝖎𝖇𝖗𝖊 🧿
Contributor
Joined
Feb 22, 2015
Posts
14,615
Solutions
2,189
Reaction
26,087
Points
8,294
Nakakatawa talaga ang pag-ibig. Kadalasan napakaraming contradictory statements sa pag-ibig, lalo na sa isang taong umiibig. Minsan hindi mo na tuloy alam kung isa lang ba ito sa mga oxymoron ng pag-ibig? O baka moron ka lang talaga?? Lahat ng gusto mong sabihin, hindi mo masabi ng tama.
Pero kahit bali-baliktarin mo yang sinasabi mo, totoo pa rin ito. Ang labo di ba? Pero malinaw sya. Kapag nagmamahal ka, masaya at malungkot. Bakit ka nagmamahal? Wala kang mahanap na rason. Pero lahat ng rason alam mo. Masakit magmahal. Pero okay lang. Sabi nga nila ang pag-ibig daw ay para lang sa mga *****. Akala mo sila'y may pusong bato at napakamanhid. Pero dumating ang panahon at tinamaan sila ni kupido. Ayun, ***** na rin sila ngayon. Bali-baliktarin mo man ito, ikaw at ikaw pa rin ang nababaliktad.

Ang pusong bato, napapalambot.
Ang mayabang, napapakumbaba.
Ang malakas, humihina.
Ang mga malulungkot, napapasaya.
Ang mga manhid, nagiging martyr.

Nakakatawang tunay ang pag-ibig! ****!! Kung kelan hindi mo ito hinahanap, saka darating. Isang araw lang, sinasabi mo "Sawa na ko sa pag-ibig!" Pero biglang umaligid na naman si kupido at wala kang magawa kundi ang sumunod dito.

Ay naku!! Ang galing galing mong magbigay ng payo sa mga may problema na akala mo lahat ng exprience sa buong mundo naranasan mo na. Pero kapag ikaw na ang nasa spotlight, ano ka? Nangangamote ka rin naman, di ba?

My goodness!! Sobrang nakakatawa ang pag-ibig. Pigang-piga na ang utak mo sa kakaisip ng solusyon sa problema. Bakit ganun, wala naman mali pero bakit parang wala ring tama? Akala mo expert ka na, pero wala ka ring alam. Kahit anong sakit at hapding nararamdaman ay OK lang dahil másáráp ang umibig. másáráp mabuhay. Sa sobrang sarap mabuhay, pwede nang mamatay o magpakamatay.

Nakakatawa talaga ang pag-ibig. Pero bakit lagi tayong umiiyak? Bakit lagi tayong nasasaktan? Bakit tayo nakakasakit sa kapwa natin? Bakit?? Bakit nga ba?
 
Last edited:
Meron. Magba-bagong taon na pero nananakit pa sila.
 
Hirap silang i-ignore kasi araw araw silang nagpapa-pansin.
 
Ipasok mo sa kaliwa, ilabas mo sa kanan :)
Parang wala lang, wag mo po iabsorb, mapapagod din yan
 
Mag-order? Sana nga meron non eeh. Hahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top