cartiergomora00
Forum Guru
- Joined
- Feb 3, 2018
- Posts
- 585
- Reaction
- 11,559
- Points
- 1,399
Naranasan nyu na po magmahal ng isang tao kahit alam mong maraming siyang flaws o halos wala lahat siya ng gusto mo pero tangggap mo parin siya? nagkakilala kami thru gc ng messenger after 4 months nagfirst move siya at umamin na may gusto siya sakin, syempre ako naman bilang isang lalake di ko inaasahang may babaeng magkakagusto sakin lalo na't mababa ang kumpiyansa ko sa aking sarili, di nagtagal pagkaraan ng dalawang buwan (2 months) naging kami rin.
Sa umpisa ng relasyon namin bilang magjowa naging maganda naman ang sitwasyon namin at hindi ako nagkulang na iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya pero habang tumatagal unti-unting nabago ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Ultimo maliit na bagay pinagtatalunan namin at nauuwi sa away at dahil mahal ko siya inintindi ko nalang at pinagpaumanhinan palagi. Isang linggo bago ako nakipag break sa kanya nag away kami at pagkatapos ay hindi ko na siya makausap ng ilang araw hanggang nalaman ko may iba siyang kinakausap na lalake at dahil may ebidensya na hindi niya tinanggi na nagcheat siya bagkus sinisi pa niya sakin ang rason kung bakit niya ginawa yun kaya napagpasyahan kong makipagbreak na sa kanya. Masakit naman talaga makipoaghiwalay at mahal mo pa siya, pero ganon talaga di ko na siya kayang pagkatiwalaan pa. Pagkaraan ulit ng pitong buwan (7 months) yung pagmamahal ko sa ex ko ay napalitan ng poot dahil nadin sa paulit-ulit na pagpaparamdam niya, sa tuwing makikita ko ang larawan o pangalan niya ay naaalala ko lahat ng ginawa niya sakin. Kanina lang chinat niya yung isa sa mga kaibigan ko para makausap ako pero poot padin ang nararamdaman ko para sakanya.
Minahal ko talaga yung ex ko pero dahil sa ginawa niya halos di ko na siya mapatawad, nararamdaman ko gusto niya makipagbalikan pero kahit sabihin kong pinatawad ko na siya wala narin naman akong tiwala sa kanya kaya hindi ko narin siya magawang kausapin ulit. kayo po ano mararamdaman niyo sa parehong sitwasyon ko at ano po ang pinakamagandang solution na maaaring gawin?
-Pasensya na kung masyado mahaba at salamat din po sa pag babasa ^^