What's new

[Mga Teksto sa Bibliya] Paano Makatutulong ang Bibliya sa Iyong Pamilya?

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Narito ang ilang mga teksto sa Bibliya na makatutulong sa mga pamilya na maging masaya at nagkakaisa.

MGA ASAWANG LALAKI/AMA

“Sa katulad na paraan, dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae na gaya ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kaniyang asawang babae ay nagmamahal sa sarili niya, dahil walang sinumang napopoot sa sarili niyang katawan, kundi pinakakain niya ito at inaalagaan . . . Mahalin ng bawat isa sa inyo ang kaniyang asawang babae gaya ng sarili niya.” Efeso 5:28, 29, 33

“Mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak, kundi palakihin sila ayon sa disiplina at patnubay ni Jehova.” Efeso 6:4

MGA ASAWANG BABAE

“Ang asawang babae naman ay dapat magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.” Efeso 5:33
“Kayong mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong asawang lalaki, gaya ng inaasahan sa mga tagasunod ng Panginoon.” Colosas 3:18

MGA ANAK

“Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang, ayon sa kalooban ng Panginoon, dahil ito ay matuwid. ‘Parangalan mo ang iyong ama at ina.’ Iyan ang unang utos na may kasamang pangako: ‘Para mapabuti ka at humaba ang buhay mo sa lupa.’” Efeso 6:1-3
“Kayong mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng bagay, dahil talagang nakapagpapasaya ito sa Panginoon.” Colosas 3:20
[Ang mga pagsipi ay mula sa NWT Bible 2019 Revised Edition Tagalog]

Puwede ninyong basahin ang Bibliya na ito kung bubuksan ang link na nasa ibaba.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Similar threads

Back
Top