What's new

Closed Mariannas trench sa darkweb

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,217
Points
27,061
Age
28
MARIANNAS TRENCH

Ni Train

Sa mga Deep Web Communities, siguro narinig mo na 'yung sinasabi nilang "Mariannas Web" —sinasabi na ito ang pinakamalalim na parte ng Deep Web. Ang tawag na ito sa bahaging yun ng Deep Web ay nagmula sa pangalan ng pinaka malalim na dagat sa mundo: ang Mariannas Trench o Marianna Trench.

Matatagpuan sa kanluran ng Pacific Ocean at 200 kilometers na layo naman mula sa isla ng Marianna sa silangan ng Pilipinas —ay ang tinaguriang pinakamalalim na dagat sa mundo na nagtataya ng 1, 580 milya na haba at 43 milyang lawak.

Ang Challenger Deep na pinakamalalim na parte nito ay tinatayang nasa 10,000 hanggang 11,000 metro ang lalim: at para sa comparison, kung ilalagay mo dito ang Mount Everest, lulubog pa din ang tuktok nito sa lalim na 1.6 kilometers.

Pero kahit ito man ang pinakamalalim na dagat sa mundo, hindi pa rin ito ang luagar o lalim na pinakamalapit sa core ng ating mundo, dahil na din sa hindi naman perpektong sphere ang ating mundo.

Ito din ay ipinangalan kay Queen Mariana ng Austria, at unang nasukat ang lalim noong 1875 ng Challenger expedition.

Makasaysayang pagsisid:

Dahil ito ay napakalalim, ang mariannas trench ay napakadilim din at ang temperatura dito ay bumababa ng higit pa sa freezing point at may pressure na 8 tons psi at habang bumababa ka pa ay tumataas din ang pressure.

Ang pinaka unang tao na sumisid dito ay noon pang 1960 —ito ay si Jacques Piccard at Navy Lt. Don Walsh gamit ang navy submersible bathyscaphe na to na tinatawag na "trieste".

Ginawa ang pagsisid na ito upang tingnan kung may buhay pa sa lalim na ito ng dagat —bukod pa sa kaunting data ng mga scientist tungkol sa mga uri ng organismo na nakatira sa trench. Para kompirmahin ito ay ang layon ng proyektong ito noong 1960, at alamin kung posible nga ba ang buhay dun o kung akong uri ng mga nilalang ang naroroon.

Sa mga lumipas na taon, ilang mga unmanned submarines ang nakakita ng senyales ng buhay dito at ilang mga exotic organisms katulad ng shrimp-like amphipods, at ilang mga kakaiba at translucent na hayop kagaya ng holothurians.

Ayon pa sa mga scientists, marami pa diumanong mga species sa lalim ng karagatan na yun na naghihintay lamang na madiscover at andun din ang sagot kung paanong ang mga nilalang na to ay kayang mabuhay sa kalikasan na extreme ang kalagayan.

Pero pinaka interesado ang mga scientists sa mga microorganisms na namumuhay rito dahil maaaring ito ang magbigay daan sa mga breakthroughs sa biomedicine at biotechnology.

Ang mga microscopic organism na maaarig matuklasan sa trench ay maaaring magbigay liwanag sa misteryo ng pagsilang ng buhay sa ating mundo. Ayon sa ibang scientists, ang mga mud volcanoes diumano na malapit sa trenches ang maaaring nagbigay ng tamang kondisyon para mabuhay ang unang lifeforms sa mundo natin.

Ayon naman sa mga geologists, ang mga bato sa trench ay maaaring pag-aralan upang malaman o maintindihan ang mga malalalang lindol at tsunami sa pacific rim.

Ikaw, ano sa palagay mo ang mayroon sa Mariannas trench? I-comment ang inyong palagay.

#EnigmaReadersPH

Credits sa enigma readers ph
 
gusto ko sanang basahin kaso na realize ko ulet bakit hindi ko muna basahin mga comment . kaya tuloy nakapag comment din ako at eto yun
 
Ewan if eto parin link ng hidden wiki which papunta sa Marinnas trench. Basically pinaka malalim dati ay hidden wiki/deep web then mas lumalim nagka Marinnas trench.
Link >>
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

BTW basic knowledge nang d gumagana to sa normal browsers like google.
 

Attachments

Oh... that's nice, marami talaagng naktagong likas na yaman di lang dito sa pinas kundi sa iba't iba pang panig ng bansa ! next tym ko na lang siya ireread... medyo mahaba e! :)
 
Last edited by a moderator:
Nakita mo na ung bagong cicada? Research mo mas mahirap. Sa pagkakatanda ko mga ****er or CIA or NBI daw gumawa ng code at naghahanap ng makakasolve. Damimg theory jan


Saam favorite part niyo sa hidden wiki? Aken red room OwO
Oh... that's nice, marami talaagng naktagong likas na yaman di lang dito sa pinas kundi sa iba't iba pang panig ng bansa ! next tym ko na lang siya ireread... medyo mahaba e! :)
Ge lung
 
Last edited by a moderator:
grabe dami mong alam ate ah pa trivia trivia kanalang ah haha andalas kung magbasa tungkol sa mariana trench at ang dami kong nabubuo sa utak ko na pano nga kung may megalodon dindun katulad sa palabas na meg haha
 
Ewan if eto parin link ng hidden wiki which papunta sa Marinnas trench. Basically pinaka malalim dati ay hidden wiki/deep web then mas lumalim nagka Marinnas trench.
Link >>
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

BTW basic knowledge nang d gumagana to sa normal browsers like google.
Alam ko iba yung mga requirements para maka dive dyan ewan ko kung totoo.
 
grabe dami mong alam ate ah pa trivia trivia kanalang ah haha andalas kung magbasa tungkol sa mariana trench at ang dami kong nabubuo sa utak ko na pano nga kung may megalodon dindun katulad sa palabas na meg haha
Extinct na po yun matagal na
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top