Maghihintay
Hanggang ngayon ikaw parin ang nananatili sa aking puso.
Unang beses kang makita ako ay nabighani ng iyong ganda na hindi inakala na mahuhulog sayo bigla.
Minsan na kitang binati at kinausap ang akala ko ay masungit ka dahil sa tuwing pinagmamasdan kita mula sa malayo ay tahimik ka lang at muka kang mahirap lapitan.
Ngunit nabigla ako ng minsan ay ikaw ay kausapin ko at ako ay binigyan mo ng matamis na ngiti at napasabi ka sakin ng "Magandang Umaga" tila ba gumanda ang mga nasapaligid ng ako ay ngitian ng mga matatamis mong labi.
Simula non ay nagkagusto na ako sayo. At sa tuwing nagkikita tayo nakakaramdam ako ng saya at inspirasyon. Ngunit nahihiyang umamin sayo dahil natatakot ako at pinanghihinaan ng loob na baka hindi mo ako magustuhan.
Hanggang sa naging magkakilala at palaging nagkakamustahan pero di ko lingid na ako rin pala ay magugustuhan mo. At sumapit ang pandemya at tayo ay pinaglayo sa isat isa at makalipas ang ilang buwan na balitaan ko na lang na may karelasyon ka na pala.. mahirap para sakin na tanggapin yun na di man lang naka amin sayo.
At lalong bumigat ang nararamdaman ko na minsan sinabi sakin ng kaibigan mo na ako ay gusto mo rin pala at hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin na di ako naka amin sayo..
Sana pala nagkaroon ako ng lakas ng loob umamin sayo para naman wala akong pinagsisisihan hanggang ngayon..
Mula noon hanggang ngayon ikaw parin at handang maghintay.
-Hoven143