What's new

LSS sa graduation march music

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,166
Solutions
330
Reaction
129,300
Points
22,180
May college graduation na nagaganap malapit samin tabi lang kasi namin yung city hall gymnasium. tapos paulit-ulit naka loop yung pag play ng graduation march music na naririnig ko pa simula pa noong mga kinder pa ako 😁 . Napagdaanan ko rin yung music na iyan sa buong buhay ko pati nang mga panahon na kabataan pa ng mga kapatid ko ganyan parin yung music tuwing graduation nila. Ngayon halos parang ang sakit na sa tainga yung music dahil ata doon sa mga trumpeta na ginamit sa music.

May mga memories din na pumapasok sa isipan ko kapag iyan ang naririrnig ko kahit saan, yung maalala mo na panahong nag aaral ka pa. Yung mga kaklase mo na hindi mo na makikita o makakasama ulit sa susunod na school year o kaya lalo na sa college graduation na parang sa reunion mo na lang sila makikita.

Siguro panahon na para baguhin na yung graduation march music parang panahong 1960s-1970s pa ata yung music na parang standard na ginagamit sa lahat ng mga school at colleges. mapa private man o kaya public. Opinyon ko lang naman yun.

Kapag nakaririnig ako niyan instant LSS agad. Kayo rin ba na LSS din?
 

Similar threads

Back
Top