Siguro means walang kasiguraduhan. Nagkakaroon ako ng pagtingin pero nawawala siya dahil kapag sinabi ko na ayaw ko. Ayaw ko. Kapag paulit-ulit kase sinasabi sa brain ko, hindi nagtatagal, nawawala siya. I mean hindi siya tumatagal. Hanggang maaga pa, hindi ako nagpapakontrol sa kung ano ang nararamdaman ko. Minamaneubra ko agad sa utak ko hanggang maaga.
Kaya hindi ako na iin love - agad. Tapos the same hobby na naman ang gagawin ko since wala na ang pagtingin ko.
Yung tipong lumilipas siya na parang hangin. Nawawala din sila na parang bula.
Yung crush ko, ganun din ako. Haha. Kaya hindi ako masyado nag eestay sa mobile phone ko kapag nagtetext siya. Umaabot ako ng 24 hours bago ko sagutin ang text niya dahil ayaw ko masyado attach sa crush ko. Ayaw ko kase seryosohin. Ayaw ko magpakita ng kahit anong concern. Kahit salitang take care ay wala siyang maririnig sa text ko.