What's new

Kung merong Diyos

taekia19

Honorary Poster
Established
Joined
Jun 18, 2022
Posts
864
Reaction
214
Points
237
Bakit hinahayaan ng Diyos na magkaroon ng sakuna, paghihirap at mga aksidente kung nandiyan man siya tlaga sa taas?
 
Dahil yan sa kasalanan ng tao. Kung ang gobyerno may pinapatupad na batas, ang panginoon meron din. At tayong tao ay palaging nagkakasala, noong wala pa si Jesus na nagpakamatay para sating mga kasalanan, lahat ng nagkakasala ay nag aalay ng kanilang mga ari arian para patawarin ng panginoon. Pero natigil ito pagdating ng panginoong jesus. Pero hindi ibig sabihin na tayong tao ay libre nang magkasala at sumuway sa kanyang batas. Lahat ay mapaparusahan walang pinipili ang Panginoon kapag siya ay nagbigay ng parusa.
 

Roma 6:23

23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Santiago 1:2-4

2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok.

3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang

Roma 8:18

18 Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw

Roma 5:12

12 Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.
 
Bakit hinayaan ng diyos na may mangyayaring aksidente? Dahil tao lang tayo... nagpapatunay na hindi tayo perpekto. Na isa tayo sa may buhay na may kamatayan at si God lang ang perpektong walang katapusan buhay. Eh kung sa gusto mong mangyari na walang ganung mangyayari...eh wala nang kamatayan ang tao...naku naman...parang diyos ang tao na hindi na mamamatay. Gets po ba?
 
...hinayaan ng diyos na may mangyayaring aksidente... Dahil tao lang tayo... nagpapatunay na hindi tayo perpekto.
ows? meron nga ba talagang diyos na ika nga nag allow na mangyari ang mga bagay bagay? or you just attributed the events to a god that was described to you hehe
 
Back
Top