ponzi yan, yong unang member ang unang kumikita kc yong ipambabayad dyan doon nila kinukuha ang pera na ibabalik sa ibang member or bagong member. hindi lahat ng member dyan nakukuha nila mga naimbest nila, hindi talaga mag rereklamo mga nagimbest sa KAPA, kc umaasa sila na maibalik ang pera nila....at isa pa simbahan yan dapat ginagamit lang nila pinapalabas na dosyon kono?
eto yung nakita kong tama ang paliwanag. ponzi scheme. bayaran mo si juan gamit ng pera ni pedro. walang pinaaandar na pera sa stock market. walang pinapatubong pera sa cryptocurrency. kalokohan lahat yon.
sadly, yes, nabubulag talaga yung mga tao don kasi yung mga naunang nag invest don eh nakakakuha talaga ng pera, totoo yon. as long as may kumakagat at sumasali sa scheme nila, may kikitaing pera yung mga naunang miyembro. kaya nagmumukang legit.
walang nagrereklamo kasi yung mga nagmature na yung principal amount nila (donation kuno), nakukumbinsing mag reinvest ng pera nila don, meaning di pa nila nakukuha lahat kasi nga pinapatubo pa nila ulit don ung pera nila.
sentido komon lang. kung ganyan pala kadaling magpatubo ng pera, bat may nagbabangko pa, bat may nag iinsurance pa, bat may naglalaro pa ng pera sa stock market, bat may nagpapakahirap pang maging I.T, doktor, nurse, teacher, engineer, architect, karpintero, hardinero, magsasaka, janitor, etc. kung ganon kadaling magpatubo ng pera, bat may nagtutulak pa ng droga, bat may nagpapa ****** pa, bat may naggagun for hire pa may nagddrug lord pa, bat may mga magnanakaw pa, bat may nagnanarcopolitics pa. lahat na lang tayo sasali sa kanila kung ganyan pala kadaling magkapera jan