after ko mag graduate, kinuha ako ng school ko mismo as a web-developer, tapos yun nga may friend na dean yung isa kong prof dati, nirefer ako, since mas maganda ang offer, tinanggap ko. 3 months yata ako naging web developer muna, then Instructor until now.
nagkuha ako ng units sa education yung Special Learning Package na tinawag (teaching units) after ko ng 1 year nun na pagtuturo, then after take ng Masteral, sa PUP-OU
once a month lang ang pasok, since nagtatrabaho ka, every sunday ang pasok ko nun.
though, optional lang naman yung teaching units, kilangan lang sya para makapag LET exam ka, ang pinaka importante is yung makapagtapos ka ng Masteral since yan ang need sa CHED.