What's new

Insta millionaire

Kieun Kieun 14

Forum Veteran
Joined
Mar 1, 2018
Posts
954
Reaction
2,949
Points
621
Hello mga ka PHC share ko lang po itong tagalog translated ng pocket fm kayo na po humusga

isinalin sa tagalog
K'Meg B.

Insta Milyonaryo


Kabanata - 1


Mabuti at Masamang Sorpresa


"Hello. Heavenly Lion Convenience," sinagot ni Alex Ambrose ang telepono ng tindahan.

"Kailangan ko ng isang box ng ****** at dalawang Packs ng Tissue at paki deliver narin sa Room 1302 Sheraton South River Hotel. paki bilisan!" at binaba ng customer ang telepono.

Napailing nalang si Alex. "Mga taong to di pinaghahandaan." bulong nya sa sarili.

Hinanda nta ibinalot ang mga order ng tumawag na customer, isinuot ang kanyang kapote, at sumakay sa kanyang electric bike papunta sa Sheraton South River Hotel.

Alas Nuebe na ng gabi at napakalakas ng ulan. at ang kaniyang pantalon at sapatos ay napakadumi at basang basa. Mabuti na lang at hindi nabasa ang order ng customer, kayat hindi na siya nag atubili pa kaya nagmadali siyang pumunta sa hotel.

At ng dumating si Alex sa Room 1302. siya sa kumatok sa pintuan, at agad naman itong bumukas.

"Hello eto na po yung inor–" Natigilan at natahimik si Alex sa pagkabigla.

Ang babae na nasa kanyang harapan ay walang iba kung di ang kayang nobyang, si Cathy!

Nakasuot si Cathy ng puting ******** na pantulog, bagsak ang basa at mahabang itim na buhok nito hanggang sa kanyang bewang. nanunuot sa ilong ni alex ang napakabangong ****** gel at shampoo na ginamit nito na kakatapos lamang sa pagligo.

"Cathy? Anong ginagawa mo dito?" Titig na tigig si Alex dito di makapaniwala at tulala.

"Ikaw?! anong ginagawa mo dito?!" tanong ni Cathy. Bumilis ang tibok ng puso niya, napaatras ng kaunti pabalik sa loob ng kwarto. nablanko ang isip nito di malaman kung ano ang gagawing paliwanag.

"Anong problema?" Isa pang lalaki ang lumapit sa pinto, ito ay nakatapis lamang, at agad siyang nakilala ni Alex.

"Ikaw! Sinusubukan mo bang galawin ang Girlfriend ko?!" Hindi napigilan ni Alex ang galit na namumuo sa loob niya, at agad siyang lumapit kay Billy para turuan ito ng leksyon.

"WAG!" humarang si Cathy sa harapan ni Alex, matapos ng panandalian nitong pagkabigla kanina sa pagbukas nito ng pintuan kay Alex, naibalik ni Cathy ang sariling pag-iisip. Dahil natuklasan na ni Alex ang kanyang pagtataksil, wala narin saysay na itago pa niya ito.

Tumingin ng deretso si Cathy kay Alex.

"Alex, kailangan na nating maghiwalay."

"Maghiwalay?" Natigilan si Alex. Nakatitig siya kay Cathy ng nanlalaki ang mga mata. "Cathy, mahigit isang taon na tayo! Tapos hihiwalayan mo ako ngayon?!"

"Oo. Magkanya kanya na tayo." Nanatili itong nakatitig si Cathy kay Alex ng deretso at nagsalita ng may halong hinanakit "Nagulat ka ba? Wala kang kapera pera Alex. halos hindi mo na nga mabili kahit yung pinakamura na pangangailangan ko. Kahit kailan walang nangyaring maganda sa atin dalawa. Hangga't kasama kita, palagi nalang akong pagtatawanan ng mga tao, at hindi iyon ang gusto kong buhay. Hindi ko kayang mamuhay sa kahirapan ng ganito. napakauto uto ko noon first year pa tayo, at hinayaan ko ang sarili ko na magpauto sa isang walang kakwenta kwentang tao na kagaya mo!"

At yumakap ito sa bisig ni Billy at sinabi kay Alex,

"Si Billy na ang Boyfriend ko ngayon. at simula ngayon, wala na akong kailangan pa sayo! wag mo na akong guluhin pa!"

"Mukang, isa ka nalang walang kakwenta kwenta ex nya ngayon!" Dagdag pa ni Billy kay Alex na may nakakalokong pagngisi.

Si Alex, na nakatayo suot ng kapote at may mantsa ng putik sa kanyang pantalon at sapatos, naisip na tama si Cathy. Siya ay isang walang kakwenta kwenta boyfriend. Kinuha ni Billy ang plastic bag sa kamay ni Alex at inilabas sa box ang isang ******. Pinakita niya ito kay Alex na natatawa habang sinasabi, Nandito ako na nagpapahinga sa isang magandang hotel, biruin mo ikaw na ex pa ng girlfriend ko nandito ngayon ang naghatid sakin ng ****** at tissue, single kana!!! at ang bait bait mo! maganda yan para sayo tulong mo nalang din yan para sakin hahahaha!!!

"O bat andito ka pa?! Bulyaw ni Cathy kay Alex.

"Nah, buti nalang at di sya naiinis. Siguro gusto mong gulpihin ko sya, noh, Cathy? Kailangan kong ibigay kung anong gusto ng Girlfriend ko. Pang aasar pa ni Billy kay Alex.

Ramdam na ramdam ni Alex ang sobrang sakit. Dahan dahan syang tumalikod at lumabas ng kwarto.

"Bro, hindi mo ba kukunin tong pera bayad ko? Heh, ayos nagka girlfriend na ako may regalo pa.

Napakasarap ng pakiramdam ni Billy habang pinagmamasdan nya si Alex sa nanlulumo nitong itsura habang isinasara ang pintuan.

Paglabas ni Alex ng hotel ay mas lumakas pa ang ulan kaysa kanina. Hinubad niya ang kanyang kapote, hinayaan ang malamig na ulan na mabasa ang kanyang buong katawan para narin makatulong ito na maklaro ang kanyang pag iisip

Hiniwalayan ako ni Cathy dahil naniniwala siya na wala akong pera. Ang pagkawala ng isang babae na gaya ni Cathy na sobrang materialistic. dapat ikatuwa ko pa nga so bakit ko kailangan malungkot at masaktan ng ganto? sagot ni alex sa kanyang sarili

BUZZ!!! BUZZZ!!!

Nag Vivibrate ang Cellphone ni Alex sa kanyang bulsa. Dinukot nya ito at tiningnan, ng makita niya ang number, siya ay tumigil sa paglalakad, nanginginig ang buo nyang katawan habang binabasa nya ang text.

[Pagkatapos ng isang pagsusuri, ang pamilya Ambrose ay nagpasya na. Na ang kanilang anak na lalaki, si Alexander Ambrose, ay nakamit ang mga kondisyong kinakailangan para sa karapatan sa kanyang mana. Mula ngayon, ibabalik sa kanya ang kontrol sa kanyang ari-arian.]

Ang malalaking patak ng ulan na bumagsak sa screen ng cellphone ni Alex. naging dahilan ito para lumabo ang text message na kanyang binabasa

Unti unting bumalik sa matinong pag iisip si Alex.

kung di dahil sa text message na kanyang natanggap ngayon, halos nakalimutan nya ang pagkatao niya na siya ay super mayamang binata. Sa nakalipas na pitong taon, Sinubok siya ng kanyang pamilya, Itinago ang kanyang kayamanan hanggang sa matapos ni Alex ang mahirap na kondisyon o pagsubok ng kanyang pamilya sa kanya. At ngayon, sa wakas, natapos na.

Lahat ng nararapat na pag-aari niya sa wakas ay pwede na yang makuha.
 
Back
Top