I am in love with the same person, gusto ko lang i-share dito, kase wala na ako mapagkwentuhan, hahahaha. Nakipag break yung ex ko sa akin way back 2017, halos 1 taon kami, pero yung paghihiwalay namin, hindi masyadong maayos, walang masyadong usapan. To make the story short, akala ko, wala na akong feelings sa kanya kase nagkikita naman kami noon pero parang magkaibigan nalang kami, nagngingitian sa isa't-isa, halos random stuffs nalang pag magmemessage ako sa kanya. Then one time, nagbakasyon ako sa kanila, kase close kami nung mama niya. (Take note: meron na siyang bago) so ang alam ko, wala na talaga. Edi yun na nga, then this happen, our eyes met, and our lips too. I thought she would fight but she insists. Then our love happened again. Tapos sabi niya pagkatapos nun, nag-usap kami, ang sabi niya, ano ba sa tingin mo? Bat dito ka pa nagbakasyon, alam mo namang may past tayo, yung TAYO, wala na pero yung feelings, nandito pa. Ngayon nililimitahan ko yung sarili ko kase, ikakasal na siya at alam kong mahal nila ang isa't-isa pero, hinahanap hanap ko pa rin siya, kagaya ng dati. Sobrang ***** ko sa part na nagbakasyon ako sa kanila kase ang buong akala ko, wala na talaga. Kaya parang nagsisisi ako, kasi ok naman na ako, masaya na ako sa kung ano ako nung iniwan niya ako, ngayon parang bumabalik lahat lahat, pati yung mga nakaraan. Ang ayaw ko lang, makasakit, ayaw ko lang masaktan yung taong minahal siya. Alam kong sobrang loyal niya. Kaso ako yung dapat nagpipigil. Hehehe. Pasensya na, kung dito ako nag-open, wala na talaga ako mapagshare-an.