Kahit anong lingon ko sa iba,
ikaw pa rin pala,
Akala ko tapos na,
ngunit heto't bumabalik ka,
sa tuwing nakikita kita,
bumabalik lahat
lahat ng ala ala,
sadyang ikaw pa rin pala.
tila may lungkot kasi nuong una,
ang paglisan mo ay di ko kinaya,
akala ko limot ko na,
pero heto't unti unting
bumabalik aking saya't sigla,
Puso ko't isipan tanging ikaw pa rin
ang laman,
araw araw nangungulila sayo
ngunit ito ngayon ako'y iyong
binalikan,
hinding hindi na pakakawalan.
Di ko alam kung bakit
sayo'y walang makakapalit,
ikaw pa rin ang aking ginusto
ikaw pa rin tanging laman nitong puso,
Yung kakaibang saya na tanging sayo ko lang nadarama,
at sa iba ay di ko nakikita,
ikaw lang ang bumubuo,
sa nawawalang puwang ng aking puso.
Kahi't sinubukan ko mang maglakbay papalayo,
para bang hinahatak pa din papunta
sa iyo,
ganito lang siguro pag minahal mo na
ang isang tao.
Di ko alam kung pwedi pa
pero hinihiling ko na sana wag ka na ulit
lumisan pa,
pwedi naman natin ulit simulan,
ang ating naudlot na pag-iibigan.
~Professora Akira~