Trivia Huling Araw

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,577
Reaction
7,227
Points
2,575
Naniniwala Ka ba na nabubuhay na tayo sa mga Huling Araw?🤔

Katibayan :
SABI sa 2 Timoteo 3:1
📖Pero sinasabi ko sa iyo na sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan.

Mapanganib at Mahirap na ba ang Kalagayan natin ngayon?

Ebidensya :
😔Pandemic
😔Kalamidad
😔Walang katapusang digmaan sa ibat ibang lugar
😔Napakaraming Sakit
😔Nakakatakot na mga Krimen
😔Dumaraming bilang ng masasamang tao

Ilan lang yan sa ebidensya na napakamapanganib at napakahirap na ng ating kalagayan - - higit na lalo sa ating panahon.

At dahil wala tayong kontrol dito at di natin mapipigilan ang katuparan ng mga hulang ito--Ano ang pwede nating magawa?

H- anapin si Jehova (Zef. 2:3)

U- nahin ang Kaharian (Mat. 6:33)

L- ayuan ang kasamaan (Amos 5:15)

I- paalam sa iba ang katotohanan na ito para sila din ay maligtas
(Mat. 24:14)

N- agmamalasakit ang Diyos sa iyo, kaya lumapit ka (1 Pedro 5:7, Sant. 4:8)

G- awin ang tama at maging matuwid (Kawikaan 2:21,22)

ARAW-ni Jehova ay napakalapit na, kaya ngayon na Kumilos! (Zef. 1:14)

Nasa huling araw na tayo at araw araw na palapit sa tiyak paghatol sa mga masasama, pero hindi ibig sabihin na magugunaw ang mundo. HULING ARAW IBIG SABIHIN MAY PARATING NA BAGONG ARAW o BAGONG KALAGAYAN!

Si Jehova ay Diyos ng Kaligtasan kung sisikapin mong makilala Siya, ilalaan niya sa iyo ang Pinakamagandang Kinabukasan na higit pa sa iniisip mo. Kaya habang may oras pa, habang may magagawa ka pa..kumilos na! Alamin ang itinuturo ng Bible para maligtas. Pwede mo akong imessage para matulungan kang magsimula. Salamat habang hindi pa huli ang lahat....Kumilos na! 😊

FB_IMG_1632878285709.jpg
 

Attachments

FB_IMG_1642088366375.jpg

Deuteronomio 18:22 Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.
 

Attachments

kung totoo ito bakit hindi isinama sa basic education subjects?
Siguro po dahil ayaw nilang masaway, dahil mayroon talagang pasaway na ayaw magpasaway😄

Juan 3:19-20
19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.
20 Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.
 

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 662
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
plhbg1

Online statistics

Members online
1,182
Guests online
4,624
Total visitors
5,806
Back
Top