Di gugustuhin ng anak mo na malungkot ka,. Yan siguro yung lagi nyang sinasabi sayo nung buhay pa xa, na gusto na lagi kang masaya. at same pa rin yan ng gusto nya kung nsan man sya ngayon. Namatay panganay kong anak na lalake nung 3 years old xa way back 2017, tulad mo, sobrang sakit kasi only child ko xa nung panahon na yon at wala akong dahilan na para magpatuloy. Pero iniisip ko na ano bang gusto ng anak ko?. yung memories namen, lagi nya ako niyayakap at lagi kameng masaya lang, pag pagod ako galing trabaho, pinapasaya nya ako. at yung lang ang gusto nya. so, gusto ng mga anak nten na maging masaya lang tayo. Yun ang gusto nila paps kaya magpatuloy tayo ng masaya para masaya clang nakikita nila tayo. Kung nabubuhay man cla ngaun, tingin mo ba tulad pa cla ng dati?. Mas maganda kung nasan na sila ngayon na kasama c God, Isipin mo na may plano ang Diyos para sayo at kelangan ko lang magtiwala. Napakahirap mawalan ng anak. Ramdam na ramdam ko yan at kahit ngayon, pag naalala ko yung anak ko, di ko mapigilang umiyak, pero kelangan magpatuloy eh. May anak ako ngaun, babae, 5 years old, at hiwalay. Daming pagsubok pero kelangan lumaban. Tiwala lang. Sana mapagaan neto ang loob mo.