Ganyan din yung ginawa ng ating Panginoong Hesus habang sya ay nasa lupa, Binato, hindi gumanti, hinampas, hindi gumanti, kinutya, pero nagmamahal pa rin, humarap sa mga lumilitis, hindi kumibo, nagutom, napagod, lumuha, naghirap, sinubok, napako sa krus, namatay dahil sa kasalanan ng iba. at nabuhay upang harapin ang bagong buhay.pero alam mo,, nagtampo talaga ako sa taas,, parang ang unfair kasi,, bakit kami na tahimik na namumuhay,,,
sabi ko nga,, ang dami naman dito samin na halos pabayaan na ng mga magulang,, mga bata pa lang ay mga magnanakaw na,, minumura magulang,,,
bakit anak ko,?! anak ko na sobrang lambing at bait,, na sobrang sipag mag aral,, at ni minsan hindi nya nagawang gumanti sa mga nananakit/ nang aaway sa kanya,,
Kung ikaw yung nasa kalagayan ng Dios Ama, nakikita ng dalawang mata mo ang ginagawa sa anak mo, anong gagawin mo.? gagawin mo din ba ang pagtitiis na ginawa ng Dios Ama?
Bakit kailangang harapin ng bawat isa sa atin na harapin kung anoman na pagsubok ang darating?
Lahat tayo ay nakakaranas nito hindi lang ikaw papsi.
Bakit kailangan?
Upang maipakita mo sa lahat pati sa Dios Ama pati sa only princess mo, kung gaano ka katatag at upang maipakita mong nagtagumpay ka sa tulong ng mga nagmamahal sa iyo higit, sa lahat sa tulong ng Dios.
Upang makamit mo ang ganti ng Dios Ama ...na buhay na walang hanggan at pagpapala sa Piling ng Dios Ama.
Mali ang akalain mong makakausap mo pa ang anak mong namatay na.
Sabi sa talata sa bibliya,
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”
Ang dating kalagayan, katulad ng malungkot na memories mo sa pagkamatay ng iyong anak, ang kalagayang pisikal ay babaguhin din doon, kaya hindi mo na makikilala ang anak mo doon ni hindi mo na makakausap doon, dahil "pawang" "bago at sariwa" na ang lahat, kahit ang lungkot at hirap doon ay hindi mo na mararanasan pa.
Sapagkat doon ay pawang kasayahan kagalakan, kaligayahan at kaluwalhatian ang mararanasan sa piling ng Dios Ama.
Kaya, pangarapin mong maligtas hindi ang magpatiwakal.
Marami pang darating sa iyo higit pa sa anak mo.
Last edited: