Suggestion po - Process of elimination ka po
Eliminate the possibility na GPU (graphics card) mo may tama:
1. If ang CPU mo may integrated graphics, sa motherboard mo muna salpak yung monitor mo
2. If ang CPU walang integrated graphics, gumamit ng spare GPU (kahit luma basta sure ka na gumagana pa)
Eliminate the possibility na RAM or RAM slot yung may sira:
1. kung naka dual channel ka, try muna gamitin yung isang RAM stick lang (RAM A).
2. isalpak sa available na RAM slot
3. Pag di gumana, isalpak sa kabilang RAM slot na available hanggang maubos ma try lahat ng slot
4. Pag di pa rin, gamitin ang pangalawang RAM (RAM B)
5. repeat process 2 and 3. If may iba ka pang RAM, itry lahat.
Eliminate the possibility na baka CPU mo may tama:
1. Try gumamit ng ibang processor na compatible sa motherboard mo (most of the time, di nagagawa ito since iisang PC lang naman meron tayo - hindi lahat pero mostly).
Change CMOS Battery or Reinstall CMOS Battery:
1. Tanggalin yung CMOS battery sa motherboard (yung parang piso na usually nasa bottom right ng board)
2. Ako nag aantay ako 30sec to 1min bago ko siya ibalik
3. Try power on kung gumana
Yan lang po naiisip ko na troubleshooting steps. alam ko mas marami pang steps na pwede mong gawin pero usually ito po ginagamit ko pag nag troubleshoot ako ng PC ko at PC ng mga kaibigan ko.
Sana makatulong. Good luck TS!