What's new

Closed "hanggang tingin na lamang ba sayo ang kaya kong gawin"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146

Untitled.jpg


"Hanggang tingin na lamang ba sayo ang kaya kong gawin"



Layunin ko na yata ang, Takaw tingin
Tuwing ako'y mapapatitig sa iyo, agaw pansin
Hindi ko naman siguro na, sadyang-sadyain
Itago lamang sa iyo, lihim na pagtingin

Sa tuwing ika'y maglalakad, ako'y nakatayo
Hindi makahakbang, sayong pagliko
Ako ang buntot mo, nakasunod sayo
Hirap na siguro yata, itong kalagayan ko

Hanggang tingin na lamang ba ang kaya kong gawin?
Sunod na parang aso, nahulog sa bangin
Di yata biro itong naging hangarin
Paghanga ko sayo, natangay na ba ng hangin

Huli ka! nakita na kita...
kung tagu-taguan man ito sina
Wag na sana akong pagtaguan
Dahil di na ako maghahanap pa ng iba..

Tama na, tama na iyan pakiusap lang
Hanggang kailan kaya, pansinin mo naman
Pagkat pagod na ako, hanggang tingin na lang
Pwede bang maging tayo, kahit ngayon lang





ang sarap no? yung humahanga ka sa isang tao
ang masaklap lamang na pangyayare..
ay yung alam mong hindi kailanman siya maaari
maaaring maging sayo at maging kayo..

yung tipong mas maalalahanin ka pa kesa sa jowa niya
yung mas maaruga ka kesa sa mga nakapaligid sa kanya..
ang sarap lang mangarap.. lalo na kung malakas imahinasyon mo.
kaso hanggang tingin na lang ang kaya mong gawin.


"look forward. don't look backward"

dahil ang pagiging successful man.
ay deretso lang. walang hintuan
walang paghintong abutin ang anumang gusto at hangarin.
dapat lang huwag kang sumuko nalang basta..
dahil hindi mo mararating ang gusto mo kung SUSUKO ka nalang :)



Mad`PoetMotivator
 
..sir, titigan mo lang ng titigan.. wag kang kukurap.. hulihin mo sya, pag tumingin sya, kindatan mo :)

hahaha kung sa titig lang eh mabihag mo na siya
bakit hindi.. kaso nakatitig ka nga.. nakatingin naman siya sa iba XD
 
..sa totoo lang sir, tamad ako..
..no choice lang kasi ako
..kung paiiralin ko aking katamaran,
..wala akong mapapala't, gugutumin lamang..

huwag mong isiping, ginagawa mo lang yan
para lang matustusan ang kalamnan
gawin mo yan dahil kailangan
at lahat ng kailangan, naiisakatuparan.

dahil pag ganyan ang isip mo
baka darating ang araw..
pagkaalipin ang kalabasan nito.
 

hahaha kung sa titig lang eh mabihag mo na siya
bakit hindi.. kaso nakatitig ka nga.. nakatingin naman siya sa iba XD


..haha.. di bale na sir.. kasi kahit pano, nakikita mo sya, namamasdan mo sya ng matagalan..
..kasi yung iba, kahit mamasdan man lang sana, di nila magawa, kasi yung gusto nilang pagmasdan, wala at malayo sa lugar na kanilang kinatatayuan..
..
 
..haha.. di bale na sir.. kasi kahit pano, nakikita mo sya, namamasdan mo sya ng matagalan..
..kasi yung iba, kahit mamasdan man lang sana, di nila magawa, kasi yung gusto nilang pagmasdan, wala at malayo sa lugar na kanilang kinatatayuan..
..

napakatama niyan sir :)
aaantabayanan ko mga sunod mong likha..
mukhang madadadagdagan nanaman ang inspirasyon ko
para pagbutihin pa sa pagtutula ko :)
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 14
    Replies
  • 2K
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
madpro

Online statistics

Members online
970
Guests online
5,838
Total visitors
6,808
Back
Top