What's new

Closed Gusto ko nang maging masaya

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,869
Reaction
1,430
Points
930
Gusto ko nang maging Masaya

Sa isipan ko bakit namamalagi ka?
Sa panaginip ko bakit sumasabit pa
Mabilis na pintig ng puso kapag nandyan ka,
At bakit may pagkakataong napapangarap pa?

Yugto nating dalawa noon pa ay tapos na
Ngunit bakit sa puso ko ay tila buhay pa?
Na animo'y umaasa pa
Sa pag-iibigang iyong winakasan na.

Pinili kong tumigil at magmahal ng iba
Humanap ng pagkakataong ako ay sumaya
Subalit bakit sa kabila ng ligaya
Sa gunita ko ay pilit kang nagpapakita?

Tama na, tama na
Mga alaala mo, pakiusap ako'y lubayan na
Paulit-ulit lamang akong nasasaktan
Sa mga bagay na pilit kong tinatakasan sa nakaraan.

Ayoko na, ayoko na
Hindi ba't pinalaya na kita
Sa pagkakataong ito ako naman sana
Makaramdam ng kasiyahan na hindi na ikaw ang may dala.

Hindi ko na makilala ang ako,
Dahil palagi na lamang bumabalik sa iyo
Maaari bang bawiin mo na mga alaala mo,
Nang ako naman makalakad na palayo.

Bagaman ako'y iyong iniwanan,
Hangad ko parin ang iyong kaligayahan
Tanging hiling ako nama'y pagbigyan
Kaligayahang hangad... sa iba na makamtan.

Mga alaala... malaya ka na
Lumipad ka na pabalik sa kanya
Nang sa gayo'y ako'y makalaya na rin
At matanggap ko na, na hindi ka na magiging akin.
 
Noon, akala ko ok na...
natiis ko na lahat kahit siya...
Ngunit lumipas lang ang araw, buwan at taon
kusang bumabalik lahat ng kahapon.

Ngayon, paano magmomove on
kung lahat sa sistema mo hindi maka get on? :)
 
Noon, akala ko ok na...
natiis ko na lahat kahit siya...
Ngunit lumipas lang ang araw, buwan at taon
kusang bumabalik lahat ng kahapon.

Ngayon, paano magmomove on
kung lahat sa sistema mo hindi maka get on? :)
Ikaw gumawa nung tula? Hindi mo pa kasi natatangap ng lubusan kaya yung sistema mo hindi maka get on.. ;)
 
Nandito naman ako para sayo :) I know I can treat you better than he can. Any girl like you deserves a gentleman :) hehehee
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 12
    Replies
  • 743
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
rockyswordz

Online statistics

Members online
1,212
Guests online
3,740
Total visitors
4,952
Back
Top