What's new

Gusto ko maging Masaya

Jayfoxsoul452

Forum Veteran
Elite
Joined
Mar 10, 2015
Posts
1,688
Solutions
1
Reaction
877
Points
571
Age
27
Magandang Gabaraw mga PHC ❤️

Di parin Ako makatulog hanggang Ngayon May trabaho pa bukas.

Naisip ko din gusto ko maging Masaya ulit pero diko na yan magawa kasi may mga hirap pang pinag daanan pa Ngayon Akoy panganay at Isang breadwinner sa Amin nakapahinayang din Minsan di ko Rin mabigay Ang lahat Ang mga gusto nila 5 years na Ako sa trabaho pero Wala parin akong naangat sa Buhay kahit negosyo or investment at naisugal ko Yung crypto na bagsak din at nabigo sa ulit yun baon sa utang at Hindi pa na tapos hanggang Ngayon sa trabaho ko Rin Minsan nag kakashort binabayaran ko nalang parang walang bad record sa trabaho ko.

Hirap Kasi Yung situation ko ngayon habang umuwi Ako galing sa trabaho naglalakad ng Gabi Kasi gusto ko ng makatipid Hindi Kasi Ako nag sasakay ng jeep para umuwi ayun dumiskarte kundi mag lakad.

Iniisip ko din gusto ko nlang mawala sa Mundong ito. Parang Wala akong silbi sa Buhay ko Ngayon. Kahit Wala ka namang ginawang masama sa kakilala mong tao pero Bakit kaya mangyayari sa yo? Tinanong ko Rin Yan sa sarili ko. Pero di masagot parang gusto ko pumunta sa malayong Lugar na Po no ng kapayapaan.

Kung may time machine man lang Ako gusto maging bata at Masaya ulit ❤️
 
1BA84F51-F01C-40E6-8F71-0BB39ABAAFE9.png
 
Attachments

Ganyan talaga ang buhay lods. Ganyan din ako sa sarili ko pero ineenjoy ko na lang kahit mahirap. Isipin mo na lang lahat ng paghihirap mo sa huli may biyaya kang matatamasa. Heads up ts. Kaya mo yan.
 
Salamat paps 😍 Alam mo paps nag sisi din Ako sa sarili. Hindi Ako nag iingat sa mga ginagawa ko atleast lesson learn to para sa akin. At gusto ko maipayo sa iba na walang karrera sa Buhay.
 
Salamat paps 😍 Alam mo paps nag sisi din Ako sa sarili. Hindi Ako nag iingat sa mga ginagawa ko atleast lesson learn to para sa akin. At gusto ko maipayo sa iba na walang karrera sa Buhay.
Oo lods. May panahon yan mag antay lang at dadating din ang ginhawa sa buhay. Tuloy lang ang laban. 💪😁
 
Lods lahat tayo may pinagdadaanan sa buhay. Hindi pera ang nagpapasaya sa atin. Pati mayayaman at bilyon bilyon na pera problema pa din nila pera lol. Kelangan mo lang isipin na kahit gaano kabigat problema mo may solusyun. Aliwin mo na lang sarili mo at magpasalamat kahit papano nabubuhay ka pa din. Magdasal at humingi ng tulong kay Lord. Di ka niya pinapabayaan. Ganyan din ako nung una lods, lagi ko tinatanung bakit dami ko problema, pero pag inisip mo lagi may ginagawa si Lord na paraan para malagpasan mo yung pagsubok na yun.
 
Ito kasi ung mali sa kaugalian nating mga pinoy, sa mahirap na pamilya..., kapag nakatapos ang anak sa pag aaral o may trabaho na ay umaasa sa kanya ang kanyang pamilya sa pang araw araw na gastusin kaya wala nangyayari o umangat man lang ang buhay nya kasi marami nakasabit sa kanya. Kaya ang ending mahirap pa rin. dapat talaga pinaplano ang pagpapamilya para hindi na ulit ito mangyari sa mga susunod na henerasyon ng mga mahihirap na pilipino para makawala sa kahirapan ang kanilang mga anak. Hindi ko sinasabi na wag ka tumulong sa pamilya tumulong ka pero wag mo akuin ang responsibilidad.
 
Oo lods. May panahon yan mag antay lang at dadating din ang ginhawa sa buhay. Tuloy lang ang laban. 💪😁
Minsan paps. May mga Araw din na worried Ako pero Hindi ko alam kung ano yun iniisip ko Yung pamilya ko.

basa ka bible mawawala yn problem mo promise.
Salamat paps. Magbabasa din Ako. May bible din Kasi Ako dahil sa cell group pero nagpasya ko natigil ko sa join :-( sorry sa kanila

Agree ako dito. Hanapan mo ng bagong purpose buhay mo. Magsimba kada linggo or kilalanin maige ang Diyos.
Salamat paps. ❤️💯 Hindi na Ako nag sisimba simula Jan.

Ito kasi ung mali sa kaugalian nating mga pinoy, sa mahirap na pamilya..., kapag nakatapos ang anak sa pag aaral o may trabaho na ay umaasa sa kanya ang kanyang pamilya sa pang araw araw na gastusin kaya wala nangyayari o umangat man lang ang buhay nya kasi marami nakasabit sa kanya. Kaya ang ending mahirap pa rin. dapat talaga pinaplano ang pagpapamilya para hindi na ulit ito mangyari sa mga susunod na henerasyon ng mga mahihirap na pilipino para makawala sa kahirapan ang kanilang mga anak. Hindi ko sinasabi na wag ka tumulong sa pamilya tumulong ka pero wag mo akuin ang responsibilidad.
True Yan paps :-( napa nood ko din Yan sa mga documentaries. Bawat Isa sa atin ganyan talaga :-( iniisip ko din Yan pag may pamilya na Ako. Sana Hindi ganyan Ang mindset.
 
Last edited:
.

True Yan paps :-( napa nood ko din Yan sa mga documentaries. Bawat Isa sa atin ganyan talaga :-( iniisip ko din Yan pag may pamilya na Ako. Sana Hindi ganyan Ang mindset.
Paps, pag nagkapamilya kana wag mo gayahin ang kaugaliang ito ng mga pinoy. Wag mo hayaan na akuin ng mga anak mo ang responsibilidad mo sa pamilya. hayaan mo sila umalagwa o umangat sa buhay nila para maging masaya sila.
 
Una sa lahat TS dont be so hard on your self.

Challenging talaga ang maging bread winner... umaabot sa point na puro sila lang ang napupunan ng pangangailangan mo tapos ikaw nakakalimutan mo na sarili mo.

Once in a while treat yourself. Hindi pagiging irresponsable na minsan e pabayaan mo ang pamilya mo para ang sarili mo naman ang sumaya. (pangit man pakinggan pero it is what it is.)

Base sa pag susulat mo, muka kang madaming gustong mangyari sa pamilya mo pero kelangan mong maisip na YOU CAN ONLY DO MUCH. Hindi ka si Naruto na may tayms tu tayms tu...

Ang nararamdaman mo ngayon ay normal... mas okay na may mapaglalabasan ka din ng sama ng loob. Hindi mo kelangan ng maraming kaibigan... ang kailangan mo ay mga totoong kaibigan... Hindi mo din kinakailangan humanap agad... ang totoong kaibigan ay dumaating ng kusa. base sa mga nagiging action mo sa mundo.

Para sa akin, para sumaya simple lang. Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka... maging masaya sa kasiyahan ng iba...maniwala na may Diyos na nasa taas na handang makinig sa iyo, kahit minsan sa tingin mo hindi sya sumasagot, kulitin mo lang... sasagot yan manalig ka lang....

Para sa akin para sumaya bilangin mo yung mga bagay na meron ka... gaya ng trabaho, cellphone (kahit luma), maayos na tahanan, pamilya atpb.

Para sakin para sumaya ka... patuloy mong iimprove ang sarili mo... mag training ka online madaming libre dyan. explore mo yung sarili mo... yung hindi mo kaya na gusto mong kayanin..

TS kaya mo yan!
 
Similar threads

Back
Top