What's new

Closed Grabe nangyari sakin , sleep paralysis

Status
Not open for further replies.
yes nangyayare saken yan .. pero madalang tS .. saken naman katabi ko asawa ko .. nakatulog ako habang katabi ko sya nagtatablet sya .. di ako makagalaw .. nakikita ko syang nagtatablet sa tabi ko pero walang nalabas na boses saken kahit feeling ko nagsisisigaw na ako .. tsaka gusto ko sya hawakan pero parang may pumipihil sa muscle ko .. as in takot na takot na ako .. feeling ko too much stress yun .. halo halong stress .. kulang na sa pahinga ..
Parang ganito din nangyari sa akin nagising akong di ko magalaw yung buong katawan ko tapos kahit anong pilit ko magsalita walang lumalabas na boses..
 
Ako kalmado lang during sleep paralysis, hinahayaan ko lang. Tapos kusa lang nawawala. Medyo creepy nga lang dahil minsan during sleep paralysis parang nagba-vibrate yung utak ko o parang may ingay na nakakangilo at parang may tumatawa na sobrang creepy. Minsan naman parang humihiwalay na yung diwa ko sa katawan ko tapos diretso na sa panaginip. Nagigising ako kapag yung sa panaginip ko ay pauwi na ako.
 
totoo talaga mga gnyan, lagi nyo lng tandaan na dapat nyo gisingin katawan ninyo para di mapunta sa bangungot, umpisahin niyo galawin mga daliri nyo kung kaya ninyo
 
Nangyayari sakin yan pag over fatigue o nasosobrahan sa trabaho ang katawan.
base on my observation ganun nga din ang tingin ko. And sa daming beses ngyare sakin ang sleep paralysis kaya ko na ito icontrol parang gusto ko pa nga nun na ngyayare yun kasi nacocontrol ko naman nga feeling ko kung itutuloy ko may masusurpass akong limitation ko kaso ngayon di pa ulit ngyayare.
 
Happened to me too though nakita ko daughter ko floating near a big and wide window na parang sa high-rise buildings. And in my dream parang nagaastral projection sya. Sabi nya sakin sa dream, "Nakikita kita, Mommy. Lumulutang ako."

That day, may pupuntahan syang birthday sa isang condo and overnight pa sana ang paalam nya. Hinatid sundo ko sya dun lang mismo sa party or program lang. Di ko na pinayagan mag overnight dahil sa dream ko na yun baka may mangyaring something.

Galit na galit pa sya sakin bakit hindi ko sya paalam magovernight, though I told the story to her the next day. :)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top