What's new

Closed Fix 936 power led only

Nagwork ba sa inyong 936 modem ang tutorial kong ito?

  • Oo

    Votes: 4 36.4%
  • Hindi

    Votes: 4 36.4%
  • Hindi ko pa nasusubukan

    Votes: 3 27.3%

  • Total voters
    11
Status
Not open for further replies.

ickie1593

Eternal Poster
Joined
Feb 5, 2015
Posts
903
Reaction
1,247
Points
385
Ito na po ang tutorial kung paano ninyo maaayos ang mga problema ng inyong 936 kung sakaling POWER LED only yung problema.
1. Prepare the tools:
  • Laptop
  • LAN Cable
  • Male to Male USB Cord
Software
  • B593s-22_Multicast_upgrade_tool
  • CID Reader
  • Polkomtel Firmware 21.311
Ang mga software na nakalista sa itaas ay maaaring ninyong madownload dito sa PHCorner.net.

2. Iset nyo po ang static ng inyong Ethernet Adapter, ang ethernet adapter setting ay makikita sa Network and Sharing ng inyong laptop or sa Control Panel

Static IP Settings
  • IP Address : 192.168.1.2
  • Subnet Mask : 255.255.255.0 (ang subnet mask ay auto set na po after nyo maisetup ang IP Address, after isetup ang IP Address i-click lang ang subnet mask at automatic na itong maseset)
  • Default Gateway : 192.168.1.1
3. Ngayon, irun ang Multicast Upgrade Tool, iset ang Network Card by selecting ang inyong Ethernet Adapter or LAN Card kung tawagin. I-load ang .BIN file ng Polkomtel by clicking "Open". I-click ang Start

Project2.jpg

4. Siguraduhin na hindi nakasaksak ang 936 modem mo bago simulan ang ika-apat na instruction. After maclick ang Start sa Multicast Upgrade Tool, isaksak ang LAN Cable sa LAN Port ng laptop patungo sa WAN/LAN Port ng iyong 936 modem.

5. Isaksak ang Power Cable ng iyong modem patungo ang kabilang dulo sa iyong 936 modem.

6. Hayaan lamang na nagpaflash ang Multicast Upgrade Tool ng fimware sa inyong modem hanggang maging GREEN na ang LED ng INTERNET/SYNCHRONIZATION LED. Ito po ang sequence ng LED Light
  • After maisaksak, iilaw ang power LED then magrered ang Ethernet LED ng iyong modem
  • After magRED ng INTERNET/SYNC LED, magpapalit ito papunta sa BLUE na ilaw kasabay ang pag-ilaw ng ikatlong SIGNAL BAR
  • Makalipas ang isang minuto, mamamatay ang SIGNAL BAR LED, at ang INTERNET/SYNC LED ngunit mananatiling buhay ang ilaw ng Power.
  • After ng 1-3 segundo, iilaw ang internet/sync led sa asul nitong kulay kasabay ang pag-ilaw ng ikalawa at ikatlong LED sa SIGNAL BAR.
  • After ng successful flashing, magiging GREEN LED na ang ilaw ng internet/sync LED.
IMG_20170730_145314.jpg

7. After ng successful flashing na nasa GREE LED na ang ilaw ng iyong modem. Gawin ang mga sumusunod na command gamit ang sumusunod na pamamaraan:
  • Isaksak ang Male to Male Cord from PC to 936 Modem.
  • I-run ang CID Reader (siguraduhin lamang na nakainstall ng tama ang driver ng iyong 936 modem, maaari mo itong iverify sa 'Device Manager' ng iyong laptop gaya ng nasa ibaba)
IMG_20170730_145446.jpg
  • Hanapin sa 'Device Manager' ang "3G PC UI Interface (COM#)". Ito ay makikita sa "Ports (COM & LPT) na bahagi. Ang COM8 na numero ng port ay maaaring magkaiba, maaari itong maging 7 or 10, depende sa install port ng inyong device sa inyong laptop/computer.
  • Matapos mahanap ang COM#, iset ito sa CID Reader.
IMG_20170730_145513.jpg
  • Matapos i-set ang COM#, kopyahin ang mga sumusunod na COMMAND sa CID Reader at i-press ang SEND sa bawat command. (Huwag baguhin ang mga code)
  • 1st code:
    at ^ nvwrex = 8268,0,12,1,0,0,0,2,0,0,0, a, 0,0,0

    2nd code:
    AT ^ SYSCFGEX = "00", 3FFFFFFF, 1,2,800C5 ,,

    3rd code:
    AT ^ SYSCFGEX = "03", 3FFFFFFF, 2,4,7fffffffffffffff ,, - only 4G.

    4th code:
    AT^SFM=0

    5th code:
    AT^RESET
8. Matapos isend ang code sa iyong 936, magrerestart ang iyong modem. Hintayin lamang na ito ay masynchronize ang iyong modem at ang iyong SIM na nakainsert dito.

9. Kapag OK na ang iyong modem, maglogin sa GUI ng iyong modem by visiting 192.168.8.1 at iclick ang Settings->Management->Factory Reset. (Kailangan nating i-Factory Reset ang ating modem after ng successful flashing upang madelete ang mga old settings nito ang mairestore ang original firmware at settings ng bago nating Firmware o GUI.)

10. After ng successful Restoration ng settings, maaari mo ng iset-up ang nais mong mga settings ng iyong 936 modem gaya ng WIFI Settings, Profile Management, Network Settings, etc.

Sana ay nakatulong ako sa inyong problema at sana din ay aking naresolba ang inyong mga katanungan regarding sa POWER LED Only problem ng mga 936 modem. Salamat sa inyong pag-intindi sa aking tutorial. Ito ay base sa aking karanasan at sana ay gumana din ito sa inyong 936 modem.

Ito po ang settings ng Globe LTE Postpaid (Ito ay hindi kinakailangan, para lamang ito sa mga naisa gamiting ang original APN ng Globe Home Broadband settings)
APN : athome.globe.com.ph
 

Attachments

salamat dito boss keep sharing laki tulong nito
Sana nga po makatulong ako. Kanina kasi nagPower LED yung modem ko at nitry ko lang lahat ng alam ko. Sana maresolve nito mga modem nyo. Pathumbs up/pacomment/paCast ng Vote dito kung working din sa inyo
 
Sana nga po makatulong ako. Kanina kasi nagPower LED yung modem ko at nitry ko lang lahat ng alam ko. Sana maresolve nito mga modem nyo. Pathumbs up/pacomment/paCast ng Vote dito kung working din sa inyo
Boss pwede ba to sa on off on off na modem
 
Thanks for sharing ts.. Meron pa isang method neto sa pag fflash mas madali.. Kaylangan mo lng kalasin at i jumper yung modem..ganun ginawa ko nung nag power led light only yung 936 ko...any way thanks for sharing ts.
 
Thanks for sharing ts.. Meron pa isang method neto sa pag fflash mas madali.. Kaylangan mo lng kalasin at i jumper yung modem..ganun ginawa ko nung nag power led light only yung 936 ko...any way thanks for sharing ts.
Yup. yun naman boss ay sa 936 Blue Label. Yun yung nakita nyo boss ni ijajumper
 
Boss sana "0302" nilagay niyo sa 3rd code niyo. At ipa option nalang sa kanila ang "03" kung gusto nila 4G lang talaga na connection. Baka kasi sinunod nila lahat ng instruction mo at magtaka sila na nag red at 4G lang na connection binabasa ni modem. just saying :)
 
Last edited by a moderator:
Boss sana "0302" nilagay niyo sa 3rd code niyo. At ipa option nalang sa kanila ang "03" kung gusto nila 4G lang talaga na connection. Baka kasi sinunod nila lahat ng instruction mo at magtaka sila na nag red at 4G lang na connection binabasa ni modem. just saying :)
Yan lang po muna ilagay mo sa code. mapapalitan mo din naman yung network sa mismomg gui ni Polkomtel
 
Last edited by a moderator:
Paps baka may fix para sa Wifi signal. Wifi led light lang ang hindi buhay. Na troubleshoot ko na din ni reset ko na din ayaw pa din talaga.
 
Im currently working on my old 936 modem led only lng sya kase bigla nawala signal nya khit ok nmn ung sim pgka nllipat po s cp khit anong sim red mode sya kya nireset ko ayun nastock s reset kaya pinatay ko pgka open ko ulit power led nlng sya
 
Sir, yung sakin kasi Modem ko 936 BLUE LIGHT ito dati ngayon po nag greenlight na sya, ilang days nato ganito medyo humina ang internet please reply salamat sa sagot sir .. Godbless you !
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top