What's new

Trivia Edsa fake news? asec mocha uson chided for online post

Status
Not open for further replies.
mga aktibista kahit ano pa gawin mo mag raraly mga yan
View attachment 333676

Sir about don sa palay, nabasa ko kasi sobrang lugi ang mga magsasaka natin. Sila nagtanim, nag-ani tapos naibebenta sa mga may makinarya sa murang halaga para maging bigas. Pag naging bigas na, itong mga nasa market nagiging mahigit pa ata sa triple ang presyo. Nakakalungkot na isa din ito sa dahilan kaya marami na ang tumitigil magsaka. Lalo na mas bagsak presyo ang mga na-angkat
 
kinokondena din po nila ang china pero hindi po ganon kalakas pa. Wala po dahilan kung komunista sila dahil wala sa ideolohiya ng komunismo ang ginagawa ng china dahil ayaw na nila dalhin ang totoong ideo nito.

Kung bakit tuta ng kano, ay dahil sa bawat pangulo na umuupo ay itinutuloy lang nila ang pamahalaan kung paano tayo kontrolado ng kano noong kolonya pa nila tayo. Ang panghawakan ang ekonomiya natin habang inuubos ang likas na yaman natin.

Kung bakit kano parin ang binabanatan nila ay dahil ang kano parin talaga ang kumokontrol ng bansa natin mula pa ng kunwari ibinigay nila ang kalayaan natin. Malalaman naman natin ito kung sino ang kumokontrol ng ekonomiya natin at itocay kung sino ang may ari ng langis na ginagamit natin at mga strategic company na kayang kontrolin ang bansa
Salamat sa paglilinaw sir. Honestly, hindi naman ako tutol sa mga rally. Karapatan yan ng mga mamamayan na marinig sila ng gobyerno. Like ang tagal na hinintay ang free education and Duterte is trying to reach out din naman minsan haha and ayon nga napasa na unlike sa mga nakaraang admin. Sayang lang di ko naabutan haha. Ayon lang meron din talagang mga parang basta nakikisali na di rin naman nila alam or napipilitan or nababayaran? And abt China, sobrang naramdaman ko kasi yung change sa mga aktibista lalo na dito sa university namin. Pag US sobrang maririnig mo sila and naiintindihan ko naman 'to since manggagamit naman US and may control sila dito although not sure with Trump's admin. Pag nagsalita naman si Duterte abt China, na parang ok lang kahit kanila na islands or sumapi na lang tayo kanila, nag-eexpect ako ng rally pero wala
 
The views and opinions of the moderator do not necessarily state or reflect those of the page and its management. Furthermore, the views and opinions of the commentators do not reflect those of the moderator, the thread or the page.
 
daenerys1 Hindi po makakaligtas sa aktibista kung may nakikita tayo mali sa gobyerno

27709428_10155349891611169_9223034941602270731_o.jpg
#
ito yung binayaran ng US para tangganlin si duterte, dapat kasi mahalin niyo bansa niyo, at igalang ang presidente, mga mukhaang pera kasi ee. sabi nga ni duterte dito kayo bumilib satin wag dun sa ibang bansa... kung ako presidente pota palayasin ko kayo sa bansa ko dun kayo tumira sa US. hahaha
 
AYOS Nag labasan mga fanatics ah.... Wala akong pina panigan alin man sa mga dating nakaupo at kasalukuyang nakaupo. maraming naging bulag sa nakalipas at nag bubulag bulagan sa kasalukuyan. (lalo na ngayon WTF) tuwang tuwa pa ang mga ptna.... ika nga ni rufa mae (go go go) kailan kaya lilinis ang pamahalaan.... kaya maraming nagiging rebelde sa bansa dahil sa baluktot na pamamahala. lumaban ka man wala ka naman magagawa... sa totoo lang, ganyan na talaga ang ang takbo ng politika.
 
Galit ka sa aktibista?

Sino? Yung mga taong lumalaban para manatiling 8 hrs. ang trabaho mo? Galit ka sa mga taong ipinaglalaban ang national minimum wage para mawala ang provincial rate? Galit ka sa mga taong tinanggal sa trabaho na nagpoprotesta at tawag mo sa kanila ay tamad?

Sino pa? Yung mga magsasakang walang sariling lupa, galit ka sa kanila? Pero sa mga landlord kaya? Nagalit ka kaya? Kapag pinapatay ang mga magsasaka, ano? Tahimik ka at ang tingin sa patayan ay normal lang?

O baka galit ka rin sa mga estudyante na ipinaglaban ang libreng edukasyon at sasabihing mag-aral na lang sila habang pinoproblema nila ang pangmatrikula at kung paano itatawid ang pag-aaral? O ang pangingialam nila sa isyung panlipunan na hindi hiwalay sa araw-araw na pamumuhay nila?

Galit ka rin sa mga gurong lumalaban para sa mas mataas na sahod? Galit ka sa nagbibigay ng edukasyon sa mga anak ng bayan at sasabihing magturo na lang sila habang buong buhay nila ay inaalay nila para sa edukasyon?

Galit ka sa mga health workers na nagpupunta sa mga liblib na bayan ngunit tahimik ka lang kapag pinapatay sila?

Galit ka sa pambansang minorya na nagpupunta sa Maynila para manawagan? Pinakinggan mo ba sila kahit minsan? Alam mo bang pinapalayas sila sa kanilang lupang ninuno? Alam mo ba na pinapatay sila?

Pati sa simbahan, nagagalit ka kapag nangingialam sila sa isyung panlipunan at babanatan mo ng separation of church and state nang hindi ito iniintindi?

Galit ka sa mga nananawagan ng hustisya sa lipunan pero panay ka rin naman reklamo kapag apektado ka na?

Kailangan mo pa bang maapektuhan muna at maranasan ang nararanasan nila bago ka mangialam?

Sabi ng isang manunulat, patay na isda lamang ang sumasabay sa agos.
hindi maitatangi na ang mga aktibista ay mai naitulong
pero hindi din maitatangi na twing magraraly sila ay perwesyo ang dulot
si Renato Reyes kinatandaan na ang pagraraly ilang Pangulo na ang lumipas sigaw parin nya Pangulo tuta ng kano:)
noong kasama sa cabinet ni Du30 ang ilang makakaliwa sumisigaw ba sila Du30 tuta ng kano? db hindi?
ngayon pinagsisipa sila sigaw ni babalu du30 tuta ng kano. du30 tuta ng intsik.
patalsikin si du30 isang dektador:) dektador na hangang ngayon malaya parin ngumawa si Renato Reyes:)
 
Last edited by a moderator:
may kasabihan ang gaya mong maingay na lata ikaw ang walang laman, kasi pinipilit mo yang paniniwala mo uhugin ka pa pagdating dyan, ikaw ang una nagtrashtalk baka nakakalimutan mo? ang gaya mo kasi binabae mahilig ipagpilitan ang alam mong tama para sayo eh pano pala kung Mali sa iba pananaw mo? ogag ka nga talaga debate ba kamo? baka sa personal dika ubra?


haha hangang ngayon mema ka padin.

saan banda ko namilit sa paniniwala ko? pinaglalaban ko yun alam ko tama hindi ko pinipilit sa iba lalo na kung sa mangmang lang na tulad mo

pag ang isang tao kasi pag likas na mangmang ay d nya alam na ***** siya automatic na yun na tulad mo

***** ka pero d mo alam na ***** ka dahil ang taong ***** di nya alam na ***** siya :)

#nagtrashtalk baka nakakalimutan mo?

-response:

wag ka gumawa nang kasinungalingan ikaw ang unang nagsabi ng mga OGAG kami kahit alam mo sa sarili mong dakilang gunggong ka, nag fired back lang ako sa ka tontohan mo.

mahilig ka sa strawman fallacy. wag mo ipalamun sakin yun sinuka mo na ikaw ang gumawa haha
 
Nasaan na nga ba ang mga dilaw ngayon? ginawa pang bayani yung isa dahil binaril lang sa airport. Pero bakit isinusuka na ng lipunan yang mga dilaw ngayon? Nasaan na yung libo libong sumuporta sa edsa people power? Yung nakipaglaban daw para makalaya sa diktatoryal? Lol. Smells something fishy out there, a little bit of faker about news. Sa madaling salita hindi kasi pulido at walang basehan.
Millenials at modernong napapanahon na ngayon, parang bukas na libro na lahat dahil sa social media. Inabot ko man o hindi yung panahon na yan, kahit bali baliktarin ko yung sitwasyon wala pa din naman naitulong.
 
ogag lang sinabi ko kung ano ano na sinabi mo? baka palamon ko sayo yang sinasabi mo?


palamon? ikaw tong mukhang di lumalamon kaya ikaw lumamon brad haha.


di inamin mo din ikaw ang nag simula? again nag fired back lang ako.

wag mo inuugali yung masangsang na salita dahil sanay ako dyan ang pananalita ko ay binabagay ko lang sa kadiskusyon ko. kung babagsakan mo ko ng barubal na pananalita mas babarubalin kita.

d mo ko ma dadale sa ganyan madami na ko tinuos sa debate na mas masahol pa sayo na nabangkarote at nangamote sa bandang huili :)
 
tama si bossing hindi ako magkakapera sayo tsaka wag mo ako hikayatin dyan sa group nyo, hindi pa sira kokote ko para pakuyog dyan sa group mo mga dilawan hehe bbye na nga sayo sayang panahon makipagtalo lang sa gaya mong ampaw lang ang laman ng ulo hehe bbye


naduwag ka na agad bwahaha

ang freedom wall ay malayang pampulitikang talakayan.

otoy hindi ko grupo yan at mga duterte supporter ang admin sa freedom wall.

sinabi ko na nga sayo madami pa tutulong sayo don.

pero di naman ako namimilit.

ayus na saken pinatunayan mo hanggang pusali lang talaga ang bunganga at utak mo na di mo kaya makipag diskusyon at makipag debate nang formal nang ulo sa ulo.

pero in case na mag bago isip mo sabihin mo lang saken bibigyan kita nang pag kakataon ibangon mo yun katangahan at pagiging duwag mo..:)


salam allaikum (peace be with you)
 
Last edited by a moderator:
Ang daming sinabi halatadong may kinikilingan. Aktibista din ako at tiwalag sa gobyerno. At yang mga metaphors mo ay tinatawag na pakikisimpatya sa ignoranteng kasalukuyan. Wag mo bubuhatin yung sarili mong bangko kung nakaupo ka dahil imposible yun. Bago ka magbitaw ng mga salita unawain at ipasok mo muna sa sarili mo bago mo ibato sa kapwa mo. Masyado kang nagmamalinis, umiiwas sa kanser ng bansa e isa ka din naman dun. Mabilis mag bitaw ng salita kung hindi mo pinag-iisipan, lalo kung hindi mo din alam kung saan nagmula at kung ano yung pinag ugatan. Gusto mo pumatas sa sarili mong pananaw pero hindi ka nalalayo sa ganid ng pangsarili mo lang.
Sa tingin mo bakit may mga aktibista? Saan nagmula yan? Ano ipinaglalaban? At ano pinanghuhugutan? ipaliwanag mo ngayun. Ikaw na nakikisimpatya lang sa mga nakikita mo at pumapabor sa pang sarili lang. Subukan mo din palawakin yung kaisipan mo hindi yung titingin ka lang sa isang banda lang kung saan mapapaganda yung kalagayan mo.
Mga nakiki-aktibistang wala naman nappapatunayan. Isa ka din sa gumigipit sa lipunan na ginagalawan.
sir kung aktibista ka pala. Hindi mo na,kaylangan itanong yan dahil alam mo ang sagot dyan.. Kung aktibista ka hindi mo na kailangan batikusin ang sinabi dahil maiintindihan mo ito.

Sa tingin mo ba lahat ng ginagawa ng kasalukuyan ay lahat ay tama,? Suporta ako sa mga nagawa nya tama pero hindi ito ang pagbabago para sa pilipino. Ito ay isang mababaw na pagbabago lamang. Kahit may nagawa sya tama kung hindi naman nya inuugat kung ano ang problema ng sambayanan pilipino, babalik at babalik lang ulit sa mali ito.. Kung alam mo kung ano ba ang ugat talaga ng paghhihirap ng sambayanan pilipino maiintindihan mo ito.

Hindi ako nagbubuhat ng bangko para sa pansarili ko interes lamang at kung iniisip mo na may kinakampihan ako, para sa akin ay wala sila pagkakaiba sa bawat isa para panigan ko.

Kung ikaw ay totoong aktibista, makikita mo ang kamalian sa kasalukuyan at wala ka kinakampihan, kumikilos ka na para itulak sya at ipaalala na may mali at kailangan nya maglingkod sa sambayanan hindi sa dayuhan.. Pero sa ipinakita mo na kakampi ka nya..

Waka kang ipinagkaiba sa mga dilawan na na kumikilos dahil sa dikta ng pulitiko. Kumikilos para sa pang sariling interes ng dilawan at hindi sa pangkalahatan.. Kumikilos ng hindi dahil sa prinsipyo at kamulatan.

Wag mo ako ikokonekta sa kanila. Dahil hindi ako tinuruan magrally, kumikilos ako batay sa pagsusuri sa lipunan at naranasan na hindi sa mahihirap naglilingkod ang lipunan ating kinabibilangan. Dahil isa ako sa nakaranas ng kalupitan ng lipunan.
 
Salamat sa paglilinaw sir. Honestly, hindi naman ako tutol sa mga rally. Karapatan yan ng mga mamamayan na marinig sila ng gobyerno. Like ang tagal na hinintay ang free education and Duterte is trying to reach out din naman minsan haha and ayon nga napasa na unlike sa mga nakaraang admin. Sayang lang di ko naabutan haha. Ayon lang meron din talagang mga parang basta nakikisali na di rin naman nila alam or napipilitan or nababayaran? And abt China, sobrang naramdaman ko kasi yung change sa mga aktibista lalo na dito sa university namin. Pag US sobrang maririnig mo sila and naiintindihan ko naman 'to since manggagamit naman US and may control sila dito although not sure with Trump's admin. Pag nagsalita naman si Duterte abt China, na parang ok lang kahit kanila na islands or sumapi na lang tayo kanila, nag-eexpect ako ng rally pero wala
sir sa bawat kahilingan natin hindi naman talaga ito kusang ibinibigay ito ay ipinaglalaban dahil sa kontradiksyon ng interes ng bawat isa.. Halimbawa kung hihiling tayo ng dag dag sahod. Hindi naman kusang magbibigay ang kapitalista dahil kabawasan ito sa interes nya, interes nyang tubo. Kailangan pa magkaisa ang manggagawa para mahingi ito. Dahil naniniwala tayo sa sama samang pagkilos.. Ganyan din kung paano naibigay ang 8 oras na paggawa dahil sa dumadagundong na protesta ng sambayanan. Ang mga senior na nagtyaga maginit sa harapan ng SSS para mahingi ang dag dag na pension. Ganon din sa mga estudyante para sa free tuition.

Ang mahirap sa isyu ng china ay marami parin kasimpatya ang namumuno.. Kahit na mali na ang gWin ng kasalukuyang namumuno ay suporta parin nila ito na parang nagbubulag bulagan pa sa maling ginagawa nito..

Hindi naman po ito direkta talaga sa presidente mg US dahil ang bawat tumatayo na presidente ng US ay siya ang kumakatawan sa mga monopolyo kapitalista ng US at ang presidente ang tagapagpatupad ng utos ng mga monopolyo kapitalista.. Dahil ano ba ang mahalaga sa mundo para ka makapagkilos at maging makapangyarihan ka? Kailangan mo sympre ng pera at ang mga kapitalista ang meron nito.. Ganito rin sa,pilipinas ang nag dodomina sa gobyerno ay ang mga dayuhan ,local na monopolyo kapitalista, at panginoon maylupa na kaya nila mapasunod ang gobyerno.

Makikita mo ito kung bakit wala pa batas na ginagawa para sa mahihirapcat nakapanig parin sa interes ng dayuhan at mayayaman
 
ito yung binayaran ng US para tangganlin si duterte, dapat kasi mahalin niyo bansa niyo, at igalang ang presidente, mga mukhaang pera kasi ee. sabi nga ni duterte dito kayo bumilib satin wag dun sa ibang bansa... kung ako presidente pota palayasin ko kayo sa bansa ko dun kayo tumira sa US. hahaha
ibig sabihin ba nito na sang ayon kayo ipamigay na lang sa china ang mga pag aari natin?
 
hindi maitatangi na ang mga aktibista ay mai naitulong
pero hindi din maitatangi na twing magraraly sila ay perwesyo ang dulot
si Renato Reyes kinatandaan na ang pagraraly ilang Pangulo na ang lumipas sigaw parin nya Pangulo tuta ng kano:)
noong kasama sa cabinet ni Du30 ang ilang makakaliwa sumisigaw ba sila Du30 tuta ng kano? db hindi?
ngayon pinagsisipa sila sigaw ni babalu du30 tuta ng kano. du30 tuta ng intsik.
patalsikin si du30 isang dektador:) dektador na hangang ngayon malaya parin ngumawa si Renato Reyes:)
nang tinanggal ang mga kaliwa sa gabineta ipinakita lang nya na simula na ito ng paglayo nya sa interes ng sambayanan at pagdikit sa mga dayuhan at negosyante
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top