Intindihin nyo na lang nagka Pandemic tayo kahit sino naman siguro na uupong pangulo eh mahihirapan ni kahit sa mga mayayamang bansa eh nahirapan sa virus na yan tayo pa kaya? Tayo na mga halos mga corrupt ang namumuno, tayo pa kaya na talamak parin ang pinagbabawal, tayo pa kaya na wala nman tlaga pakialam ang mga halos pero di lahat ng namumuno, tayo pa kaya na imbes na magtulungan tayo eh naghihilahan tayo pababa magkaroon lng ng sapat na pangkain sa isang araw kapalit ay inyong sariling paniniwala na dapat sana sa ikakabuti ng inyong kapwa?
UTANG, Utang na loob, utang na napakinabangan ng maraming pilipino simula nung nagkapademya, yung utang na nagpakain sayo, sa kapitbahay nyo, sa mga kamag anakan ninyo, utang na hindi napunta lng sa iisang bulsa.
Gusto mo ng pagbabago? Mag sisimula yan SAYO, sa atin, alam kong alam mo na makakatulong ka sa pagbabago alam mo yan sa sarili mo.
Hirap ang pangulo natin na wakasan ang corruption katulad na lng sa Philhealth kung hindi lng nagsalita o nakonsensya yung presidente ng Philhealth hindi natin malalaman na may ganyan na pala nangyayari.
Isa pa, naghihilahan pababa, yung pangalawang mataas na (alam mo na kung sino) panay puna sa mga desisyon ng pangulo akala nya siguro makukuha nya ang loob natin mga pilipino, napakarami lng na problema ng bansa bakit di nya na lang hayaan ang pangulo, pwde nman pagtuunan nya na lng ng pansin ang corruption bakit mas pinipili nya na kalabanin ang pangulo? Pwde nman sya na magbigay ng mungkahi sa pangulo eh.
Huwag na sana tayo magsisihan, tulungan na lng tayo na maresolba ang problema.