What's new

Closed Deep web: pinaka simpleng eksplinasyon

Status
Not open for further replies.

freestyler03

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 14, 2018
Posts
641
Solutions
1
Reaction
3,907
Points
650
Kung ikaw ay curious sa nagsusulputang terms tulad ng "DEEP WEB", "DARK WEB" at "SURFACE WEB" hayaan niyong bigyan ko kayo ng simpleng eksplinasyon ukol dito.


INTERNET: Alam naman natin ang internet ay isang common na term na ginagamit sa pag browse ng ilan sa mga sikat na website tulad ng Facebook at YøùTùbé gamit ang Smartphones at mga PC natin sa bahay.

SURFACE WEB: Eto yung mga webpages na pwede mo ma access anytime kahit wala kang pinapasok na Username o password eto yung mga web pages na na sesearch mo sa mga search engines.

DEEP WEB: Ang deep web ay hindi mo maaaring ma-search gamit ang search engine na tulad ng Google, yahoo, bing, atbp. Ibigsabihin ay eto yung mga webpages na maaari mo lamang mapuntahan kapag direkta mo etong pinuntahan. Halimbawa ikaw ay nag login sa Facebook account mo. ikaw ay literal na nasa Deep web na dahil ikaw lang ang taong may kakayahan na ma pasok ang settings ng facebook account mo.

Halimbawa ulit ay ang Email..kapag nag login ka sa Gmail account mo.
Syempre ikaw lang ang may kakayahan na silipin ang mga Emails mo. wala ng iba.

Isa pang halibawa ay ang pag Login mo sa bank account mo tulad ng BPI Online. kapag nakalogin kana ikaw lang ang may kakayahan na tignan ang laman ng Bank account mo hindi eto basta basta na sesearch sa Google at pagkatapos ay pwede bisitahin ng kahit na sino.. hindi diba? so ikaw ay nasa Deep Web.

Basta mga bagay na kailangan mo mag pasok ng username at password bago mo ma access yun ay Deep web na kung tutuusin.

DARK WEB: (Also called as DARKNET) eto naman yung subset ng Deep Web na hindi din na kikita sa simpleng pag search lamang sa Google.
Ano nga ang pagkakaiba ng DARK WEB sa DEEP WEB.
Ang dark web bago mo ma-access kailanganin mo gumamit ng Proxy (TOR, I2P, FREENET). Ang isang palatandaan sa mga webpages sa dark web ay ito ay nag tatapos sa .onion Ang dark web ay palaging associated sa mga 1Ilegal na Gawain katulad ng pagbenta ng drugs, ****0grap1ya, sugal at iba pa. kaya madaming takot pumasok ditto dahil sa mga yan. Kung ang Deep Web Password at Username lang kadalasan ang Susi para mapasok..ang Dark ay hindi lang basta Susi ang kailangan mo..Kailangan mo Magtago o mag suot ng Maskara para hindi ka makilala. Dito pumasok yung mga Proxy software na nabanggit ko pwede mo itong ituring na Maskara. bago ka pumasok sa isang EVENT.

ngayon pumasok naman tayo sa GOOD SIDE ng DARK WEB:

Panay natin nababasa yung masasamang bagay bagay na nangyayari sa loob ng Dark web pero ano nga ba ang naitutulong nito sa iba?

TAMA! may mga bagay din na maganda ang naitutulong nito. dahil once na pumasok kana sa Dark web ikaw ay isang anonymous. pwede kang magpayag ng saluobin mo ng walang makakaalam kung sino ka. Eto man ay tungkol sa (Mga pang aapi, Mga patungkol sa Politika, Mga issues na gusto mong ihayag, Mga sikreto na gusto mong ibunyag). Madami nadin mga Major Sc4nd4l o Issues sa mundo na nabunyag gamit ang Dark Web. dahil kasi sa takot ng iba na malaman ang identity nila dun nila ito nilalabas para safe sila.

QUIZ TIME:

Ano ang Deep Web sa mga sumusunod?
A. Watching YøùTùbé videos
B. Reading movies reviews in IMDB
C. Reading Emails using Gmail

ANSWER: C


Ano ang Surface Web sa mga Sumusunod?
A. Checking account transaction in BPI Online.
B. Reading articles in Wikipedia.
C. Visiting onion website using TOR Browser.

ANSWER: B

Ano ang Dark Web sa mga sumusunod?
A. Posting new thread in PhCorner Forum site.
B. Updating LINKEDIN profile.
C. Buying Fake IDS in some random site that requires Tor Browser.

ANSWER: C
Untitled.png
 

Attachments

Last edited:
paulit ulit nalang ang ganitong thread iba iba lang ang way.

I'm sharing this article to those who are not yet convince by the explanation given by others.
I tried to read others thread regarding the same topic but still gives me some major questions.

So I share what I know and the way I share it is the way people can easily understand the context of it in a very simple way.

Thanks for the criticism.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top