What's new

Closed Dama ka namin ama

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Isang ama ang walang hinangad kundi ang magandang pamilya,
kahit salat sa pera basta't walang gyera o alitan sa pamilya.
Suliranin ma'y di kaya,
basta sya ay masaya at mapaligaya lamang ang sariling pamilya at bonus pa ang pagtulong sa kapwa.

Nagtrabaho para may isalang sa kaldero,
nagbibigay serbisyo para sa inaplayang trabaho,
ngunit bakit gan'to?
Bakit sa kabila ng lahat ng kanyang ginagawa ay para bang may kapalit na kung anu?

Masaya sya, napapasaya nya ang iba, matulungin at tumutulong sa pamilya, hindi arogante, wala mang kotse ngunit bakas sa ngiti na kahit isang gabi lang ay makakauwi sa pamilya.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil ngiti nami'y biglang napawi.
Overnight.

Overnight nanaman sya, kung kelan bisperas ng pasko ay saka pa sya nakaisip na bumali ng sweldo.
Dahil sa bonus na limang libo ay sa gilid ng aspaltong kalsada sya magpapasko.


Tatlong armadong lalaki ang walang awang rumatrat sa onipormeng puti ng aking mahal na Ama dahil lamang sa pagtatanggol sa isang dalaga, dalaga na nagwí†hdráw ng pera para din sa kanyang ama at pamilya.

Hindi man katanggap-tanggap ang nangyari sa aking gwardyang Ama na ang gusto lamang ay maglingkod sa kapwa ay gusto ko syang IPAGMALAKI dahil walang anak ang gustong mawalan ng Ama.

Naiipit ang aking luha sa pagpatak habang kaharap ang lumang kabaong, isang litrato at regalo ang gusto kong ipabaon.Habang ako'y nakatayo sa harapan ng aking Ama, isang salita ang aking narinig sa aking likuran. "May bisita ka" , sabat ng isa sa aking kaibigan at sabay na lumabas patungo sa isang magarang sasakyan.

Kahit wala na sya, dama parin ang presensya, isang regalo mula sa di kilalang dalaga, napaayos ang kabaong, napalitan ang mga ******, at higit sa lahat, sementado ang pagninilayan sakanya.

Kung marunong ka palang tumulong ay higit pa ang iyong makakamit na pagsulong, ngayon alam ko na kung paano nga ba ang sinasabi nilang pagmamahal sa kapwa, dama ang pagmamahal ng iba, at aruga. Wala ka man sa aming tabi, alam ko at alam nila na ikaw ay walang nagawang pagkakamali. sana aking Ama, masaya ka na sa iyong kinalalagyan, hindi man bangko ang iyong binabantayan, pintuan naman ng langit ay iyo ng nakamtan.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 544
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
thatsjustkib

Online statistics

Members online
1,310
Guests online
5,347
Total visitors
6,657
Back
Top