What's new

Daily Bread (October 11 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(MATEO 6:6-8)
Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.
7 “Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.
Manalangin tayo sa ating Amang hindi natin nakikita, sapagkat ang Diyos ay Espiritu, kung tayoy nananalangin sa isang bagay na nahihpo o nakikita, tintiyak ko po sa inyo na hindi po kayo sa Diyos nananalangin. Pangalawa sa pananalangin ay hindi dapat gumagamit ng mga salitang paulit ulit. Kahit anong haba ng ating sinasabi kung hindi ito nanggagaling sa puso hindi po ito pakikinggan ng Diyos. Marami ang gumagawa nito pero ang sabi ng ating talata ay huwag natin silang tularan, ang pananalangin po ay parang isang anak na nakikipagusap sa ama, kung ano ang pasasalamat at kailangan iyon lamang ang hilingin natin sa Diyos, tandaan po natin hindi pa natin naibubuka ang ating mga labi batid na ng Diyos ang ating hinihingi sa Kanya. PURIHIN ANG DIYOS!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top