What's new

Closed thread

Status
Not open for further replies.
Paano Inihalal Ng Diyos
Ang Kanyang Huling Sugo
Sa Isa. 41:9, ay ganito ang pahayag:
“ Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”
Paano inihalal ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? Ang Huling Sugo ay tinawag ng Diyos mula sa mga sulok niyaon. Alin ba ang mga sulok na ito? Ang mga sulok o direksiyon ng lupa. Alin-alin ito? Silangan, Kanluran, Hilagaan at Timugan (Isa. 43:5-6). Sa lahat ba ng mga sulok o direksiyong ito ng lupa tatawagin ang Huling Sugo? Hindi, kundi sa mga sulok. Saan-saang mga sulok o direksiyon ng lupa tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? Sa Timugan, sa Hilagaan at sa Silanganan. Paano tinawag ng Diyos ang Sugong ito sa Timugan? Ang Sugong ito, dati’y isang Katoliko. Ang Iglesia Katolika na nasa Pilipinas ay galing sa Roma. Ang Roma, ayon sa mapa, ay nasa TIMOG ng Europa. Pagkaraan ng ilang panahon, ang Sugong ito’y nalipat sa Protestante. Ang Protestanteng nasa Pilipinas ay nanggaling sa Hilagang Amerika. Ang Amerika bagaman at nasa Kanluran ng mundo ay nagkaroon ito ng dalawang lupalop. Ang isa’y tinatawag na Hilagang Amerika (North Amerika ) at ang isa nama’y tinatawag na Timog Amerika (South Amerika ). Ito’y nakakatulad din ng lalawigan ng Ilocos, bagaman nasa Hilaga ng Luson ay may tinatawag na Ilocos Norte at Ilocos Sur. Alin naman ang tiyak na dako ng Sugong ito na tinutukoy ng Diyos sa hula? Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:
“Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa
malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Alin ang dako ng Huling Sugo na tinutukoy ng Diyos sa hula? Ayon sa hula, ang Diyos ay may tinawag na
Ibong Mandaragit mula sa silanganan. Ito ba’y talagang ibon? Hindi, ito’y taong gumagawa ng payo ng Diyos. Saan nagmula ang tao? Sa malayong lupain. Sapagka’t ang ibon ay yaon din ang tao at ang ibon ay mula sa Silanganan at ang tao ay mula sa Malayo, kaya ang pagmumulan ng Sugong ito ay sa Malayong Silangan.
Saan naman magmumula ang lahi ng Sugong ito? Sa Isa. 43:5-6, ay sinasabi ang ganito:
“ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
“Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin;
dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”
Saan magmumula ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw? Ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw ay magmumula rin sa Malayong Silangan. Pinupuna kami ng aming mga kalaban sa paggamit ng Isa. 43:5-6. Hindi raw kami marunong gumamit ng talata ng Biblia. Bakit? Sapagka’t iyon daw salitang Silangan at Malayo na magkahiwalay ng talata ay pinagsasama at pinaglalapit daw namin. Ang salitang Silangan daw ay nasa talatang 5 at ang salitang Malayo raw naman ay nasa talatang 6. Kung ang salitang Silangan at Malayo sa Bibliang Tagalog na isinalin ng mga Protestante ay magkahiwalay at hindi magkasama sa isang talata ay hindi dapat isisi sa amin. Hindi rin dapat na paratangan kami na hindi marunong gumamit ng mga talata ng Biblia kung aming pagsamahin sa isang talata ang dalawang salitang ito. Bakit? Sapagka’t hindi kami ang nagsalin ng Biblia. Sa Bibliang Ingles ba’y talagang magkasama sa isang talata ang salitang Silangan at Malayo? Opo. Sa Isa. 43:5, sa salin ni James Moffatt, ay ganito ang sinasabi: “From the far east will I bring your offspring…” (Mula sa
Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).
Samakatuwid, ayon sa katuparan ng hula, ang Sugo ng Diyos sa Huling Araw at ang kanyang lahi ay magmumula sa Malayong Silangan. Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan? Sa
World History nina Boak, Slosson at
Anderson, sa dahong 445, ay ganito ang sinasabi:
“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the
Far East.”
Sa Wikang Pilipino ay ganito ang ibig sabihin:
“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan.”
Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan? Ang PILIPINAS. Kung gayon, ang Sugo ng Diyos sa huling Araw na ito ay taga Pilipinas o isang
Pilipino. Siya’y naging Katoliko muna, pagkatapos ay naging Protestante, at saka pa lamang tinawag ng Diyos sa kanyang bayang Pilipinas na maging Sugo noong 1914.
Paano natin matitiyak at makikilala kung sino ang kinatuparan ng hulang ito? Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mismong taong kinatuparan ng hula. Sino ang nagpapakilalang kinatuparan ng hulang ito? Si Kapatid na Felix Manalo. Tangi ba sa kanya ay may iba pang nagpapakilala na kinatuparan ng hulang ito? Wala na! Bakit naman wala nang iba pang kinatuparan ng hulang ito kundi si Kapatid na Felix Manalo? Sapagka’t ang hula ay tanging ukol lamang sa kanya at para sa kanya! Totoo bang si Kapatid na Manalo dati’y isang Katoliko at pagkatapos ay naging Protestante? Opo. Totoo bang mula sa Protestante ay tinawag siya ng Diyos sa kanyang Bayang Pilipinas noong 1914 upang maging Kanyang Sugo sa Huling Araw na ito? Opo. Ano ang katunayan? Ipinangaral ni Kapatid na Manalo ang
Iglesia ni Cristo at ito’y narehistro sa ating Pamahalaan noong 1914. Tunay na Pilipino ba siya? Opo. Kung gayon, si Kapatid na Felix Manalo ang Huling Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito na tinawag ng Diyos dito sa Pilipinas noong 1914!
Ano Ang Kahalalang Ibinigay ng Diyos
Sa Huling Sugo?
Sa Isa. 41:9, ay ganito ang sinasabi:
“ Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”
Ano ang kahalalang ibinigay ng Diyos sa Huling Sugo? Kinikilala ng Diyos na ang Huling Sugo ay Kanyang lingkod, Kanyang pinili at hindi Niya itatakwil. Bakit pinagsabihan ng Diyos ang Huling Sugo na hindi Niya itatakwil? Sapagka’t ang Sugong ito’y itatakuwil ng mga tao at kahit ng mga taksil na naging ministro sa Iglesia ni Cristo. Itinakuwil nga ba siya? Itinakuwil. Ngunit itinakuwil ba siya ng Diyos? Hindi! Ano ang katunayan? Nang maalis ang mga taksil na ministro na ipinasok ng lihim sa Iglesia, ang Iglesia ni Cristo ay lalong lumago at lumakas sa banal na tulong at biyaya ng Diyos. Ano ang uri ng gawain ng Sugong ito sa Huling Araw ayon sa hula? Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:
“Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng
taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Sa ano itinulad ang uri ng gawain ng Sugong ito? Itinulad sa ibong mandaragit. Bakit itinulad sa ibong mandaragit ang gawain ng Sugong ito? Sapagka’t sa pagbangon ng Sugong ito rito sa Pilipinas noong 1914, ang mga tao sa Pilipinas ay mayroon nang kinabibilangang relihiyon, kaya mula roon ay kanyang daragitin ang mga taong tinatawag ng Diyos sa Iglesia ni Cristo.
Ayon din sa hula, saang mga relihiyon manggagaling ang karamihang daragitin ng Sugong ito? Sa Isa 43:6, ay sinasabi ang ganito:
“ Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”
Saan manggagaling na mga relihiyon ang karamihang daragitin ng Huling Sugo? Sa mga relihiyong manggagaling sa TIMUGAN at HILAGAAN. Ang relihiyong nanggaling sa Timugan ay ang
Iglesia Katolika, sapagka’t ang Roma na pinagmulan ng Iglesia Katolika ay nasa
Timog ng Europa. Ang relihiyon namang nanggaling sa Hilaga ay ang mga
Protestante sa Hilagang Amerika na dumating dito sa Pilipinas. Totoo nga bang ang karamihan sa mga taong nadadala sa Iglesia ni Cristo ay nanggaling sa Iglesia Katolika at sa mga Protestante? Opo. Paano sila dinaragit ng Huling Sugo? Dinaragit sila ng Huling Sugo hindi upang kanyang silain, kundi upang gawing mga anak ng Diyos na mga lalake at babae. Siya ang gagawa ng payo ng Diyos upang madala sila sa marapat na paglilingkod. Siya ang naghahanda ng mga leksiyong itinuturo sa mga propaganda, sa mga pagduduktrina at sa mga pagsamba ng
Iglesia ni Cristo kung araw ng Huwebes at Linggo.
Ano ang katunayang ang gawaing ito ng Huling Sugo ay pangangaral ng Ebanghelyo? Sa isa pang hula ng Diyos sa Apoc. 7:2-3, ay sinasabing: “Ang ibang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw na taglay ang tatak ng Diyos na buhay…” Sa paghahawak ng tatak ng Diyos ay nag-iisa siya, datapuwa’t sa pagsasagawa ng pagtatatak ay mayroon na siyang mga katulong. Kaya ang sabi sa talatang 3 ay, “hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos.” Ang tatak ay ang
Espiritu Santo at ang pagtatatak ay ang pangangaral ng Ebanghelyo (Efe. 1:13 ). Ang salitang “anghel” ay maliwanag na pinatutunayan sa Biblia at maging ng mga Diksiyonaryo (talatinigan) na ang kahulugan ay “SUGO” o “UTUSAN” ng Diyos. Kaya ang ibang anghel sa Apoc. 7:2, ay Sugong tagapangaral ng Ebanghelyo. Ang Sugong ito’y magmumula sa sikatan ng araw o sa silanganan. Dahil dito’y natitiyak natin na ang “Ibong Mandaragit” at ang “Ibang Anghel” ay iisang tao ang tinutukoy ng Diyos sa hula, at ito’y si Kapatid na Felix Manalo ang tiyak na kinatuparan.
Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugong ito na magmumula sa Malayong Silangan o sa Pilipinas? Sa Isa. 41:10, ay ganito ang sinasabi:
“ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”
Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugo o kay Kapatid na Felix Manalo? Sinabi ng Diyos sa Sugong ito: “Huwag kang manlupaypay, Ako’y iyong Diyos.” Ang pangakong ito ay katulad din ng pangako ng Diyos kay Abraham. Sinabi ng Diyos kay Abraham:
“Ako’y iyong Diyos.” Kung gayon, sa huling araw na ito ay ipinakikilala ng Diyos na ang Kanyang Huling Sugo ang taong may Diyos. Ang Diyos ay napadidiyos sa kanya. Kaya ang sinumang tao na ibig dumiyos sa Diyos ay nararapat makisama o makiisa sa Kanyang Huling Sugong ito. Ang sabi pa ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo:
“Aking palalakasin ka.” Natupad ba ang pangakong ito kay Kapatid na Felix Manalo? Opo. Ano ang katunayan nito? Ang mabilis na paglago at malakas na paglaganap ng Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Kapatid na Manalo, na ito’y pinatutunayan din ng mga pari at ng mga pastor sa kanilang mga aklat na sinulat. Sa kasalukuyan ay maraming mga Katoliko, mga Protestante, mga Aglipayano at iba’t iba pang relihiyon ang nakaanib na at patuloy na umaanib pa sa
Iglesia ni Cristo. Sinabi pa ng Diyos sa Kaniyang Huling Sugo: “Aking tutulungan ka.” Tinulungan nga ba ng Diyos si Kapatid na Manalo? Opo. Ano ang katibayan nito? Ang malalaki, magaganda at mga mamahaling kapilya na naitayo at ipinatatayo pa ng Iglesia ni Cristo sa iba’t-ibang dako ng Kapuluang Pilipinas na hinahangaan din maging ng mga kalaban ng pananampalatayang ito. Ang makapangyarihang gawang ito na marahil ay hindi iniisip ng sinuman na matutupad sa Iglesia ni Cristo ay malinaw na tulong ng Diyos kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo. Ipinangako pa rin ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo:
“Aking aalalayan ka ng kanang kamay ng Aking katuwiran.” Natupad ba ang pangakong ito kay kapatid na Manalo? Opo. Ano ang katunayang ating masasaksihan? Ang katunayang ating masasaksihan na si Kapatid na Manalo ay inaalalayan ng kanang kamay ng Katuwiran ng Diyos, na ang katuwiran ng Diyos ay ang Ebanghelyo, sa pamamagitan ng masiglang pangunguna at pagtatagumpay sa larangan ng pangangaral ng mga salita ng Diyos. Paano natin mapaniniwalaan na si Kapatid na Manalo at ang Iglesia ni Cristo
ang nangunguna at nagtatagumpay sa larangan ng pamamahayag ng Ebanghelyo? Natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang sinasabi sa Isa. 41:11-12 na ganito:
“Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay
papanaw at mangapapahamak.
“Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala.”
Ano ang natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo na nagpapatunay na ito’y nangunguna nga at nagtatagumpay sa larangan ng pangagaral ng Ebanghelyo sa tulong ng alalay ng kanang kamay ng katuwiran ng Diyos? Lahat ng lalaban sa Sugong ito at sa Iglesia ni Cristo ay mapapahiya at malilito. Ito’y isang katotohanang nasaksihan hindi lamang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, kundi maging ng hindi pa kaanib sa Iglesia ni Cristo. At sa panahong ito’y wala na halos ibig makipaglaban ng diskusyon sa mga ministro ng Iglesia ni Cristo, sapagka’t sila’y nangapapahiya at nalilito lamang sa panahon ng labanan. Ang mga dating mahihigpit na kaaway ay marami na ang nagsipanaw at ang iba namang buhay pa ay para namang wala na. Tangi ba rito’y ano pa ang pangako ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo? Sa Isa. 41:13-15, ay ganito ang pahayag:
“Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
“Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng
Israel.
“Narito, aking ginawa kang bagong
kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.”
Natupad din ba kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang pangakong ito ng Diyos? Opo. Ano ang katunayan nito? Dahil sa ang Huling Sugong ito’y ginawa ng Diyos na bagong kasangkapang panggiik, ay gigiikin at didikdikin niyang durog ang mga bundok o ang mga pamunuan. Paano ito nangyari? Sa mga kampanya ng mga pagpapahayag ng mga salita ng Diyos ay dinudurog ng Sugong ito ang mga
MALING ARAL ng iba’t ibang pamunuan ng mga iglesia. Sa mga pagduduktrina at maging sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay dinidikdik na durog ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo ang mga
ARAL NG KADILIMAN, unang-una na ang Iglesia katolika na tulad sa pinakamalaking bundok sa mga relihiyon. Samakatuwid, ang mga pangakong ito na natupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang matibay na katunayan na Sugo nga ng Diyos si kapatid na Felix Manalo sa huling araw na ito. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang Huling Sugo. Isinumpa ng Diyos na kapag sinalita Niya’y gagawin Niya at kapag pinanukala niya’y papangyayarihin Niya
(Isa. 46:11 ). Nguni’t ipinalalagay ng mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo na sa Israel daw ukol ang pangakong ito at hindi kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo sa huling araw. Sila’y nagkakamali, sapagka’t hindi ang lahat lamang ng mula kay Abraham ang kinikilalang Israel, kundi yaong mga anak man sa pangako. Kaya ang mga kay Cristo o ang Iglesia ni Cristo ay mga anak sa pangako at sila’y ibinibilang na binhi ni Abraham (Rom. 9:6-8; Gal. 3:29 ).
Sa haba ng paliwanagan na yan hindi parin sigurado.. Hula parin..ginawan lang ng kwento para mas magmukang kapanipaniwala..

Ang tinutukoy na huling Sugo ay si Hesus lang din.. Wag kayo mag assume.. Hilig nyo manligaw sa mga verses galing bible.. Andaming twist para lang mapaburan paniniwala nyo..
 
Nice ts. Hindi maiintindihan ng mga katoliko mga iyan kasi nasa denial stage pa cla. Lathala na sa bibliya pero nd pa rin cla naniniwala.
 
Ang sugo sa mga huling araw at sa huling araw e pareho nga yon. Nagiging ignorante ka sa Biblia..Ang sugo sa mga huling araw ay si Jesus mismo na mismong Panginoon at Tagapagligtas. Nagkataon lang na nagiging bulag ka sa mga sinabi mismo ng Biblia:

Hebreo 1:2, "Ay nagsalita sa atin sa MGA HULING ARAW na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan"

Kitam? Sa mga huling araw e si Kristo na ang Huling Sugo, at ang Huling Sugo na ito ang nagtatag ng Kanyang Iglesia sa Israel noong 33 A.D. nung sinabi Niya,

Mateo 16:18, "At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya"

Kita mo? Pinabubulaanan ng Biblia ang sinasabi mong may sugo pa ang Diyos sa mga huling araw..nag aasume agad na si manalo ang huling sugo..
 
Ang sugo sa mga huling araw at sa huling araw e pareho nga yon. Nagiging ignorante ka sa Biblia..Ang sugo sa mga huling araw ay si Jesus mismo na mismong Panginoon at Tagapagligtas. Nagkataon lang na nagiging bulag ka sa mga sinabi mismo ng Biblia:

Hebreo 1:2, "Ay nagsalita sa atin sa MGA HULING ARAW na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan"

Kitam? Sa mga huling araw e si Kristo na ang Huling Sugo, at ang Huling Sugo na ito ang nagtatag ng Kanyang Iglesia sa Israel noong 33 A.D. nung sinabi Niya,

Mateo 16:18, "At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya"

Kita mo? Pinabubulaanan ng Biblia ang sinasabi mong may sugo pa ang Diyos sa mga huling araw..nag aasume agad na si manalo ang huling sugo..
I respected your opinion, basta nakapagbigay na ako ng paliwanag na galing sa bible.
 
Ganun so feeling nyo kayo lang nakaka'alam sa aral ng biblia? E sa paulit ulit nyo lang naman inaaral mga piling verses nyo? Ewan pa kung saan galing biblia na pinagbabasehan nyo at halatang nadagdagan at nabawasan naman.. Enjoy nyo nalang mga paniniwala nyo wag na manira nang ibang relihiyon..
 
Ganun so feeling nyo kayo lang nakaka'alam sa aral ng biblia? E sa paulit ulit nyo lang naman inaaral mga piling verses nyo? Ewan pa kung saan galing biblia na pinagbabasehan nyo at halatang nadagdagan at nabawasan naman.. Enjoy nyo nalang mga paniniwala nyo wag na manira nang ibang relihiyon..
ano na religion mo? ngayon?
 
Ito lang masasabi ko wag kayong sagot ng sagot kung hindi nio alam mga pinagsasabi nio. Nasa bible po lahat ng kasagutan. Nagmamagaling mga katoliko kasi nagbubulagbulagan sila kung ano talaga ang tamang sinasabi sa bibliya.
 
Ito lang masasabi ko wag kayong sagot ng sagot kung hindi nio alam mga pinagsasabi nio. Nasa bible po lahat ng kasagutan. Nagmamagaling mga katoliko kasi nagbubulagbulagan sila kung ano talaga ang tamang sinasabi sa bibliya.
grabe po. sobrang galit sila sa akin kanina.
 
Ano ba ang tamang religion? Nasasaad ba sa holy bible ang tamang religion? Basta ako yung faith ko sa diyos genuine. And that's it
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 800
    Replies
  • 22K
    Views
  • 116
    Participants
Last reply from:
jerome01

Online statistics

Members online
891
Guests online
5,419
Total visitors
6,310
Back
Top