What's new

Closed Careful tayo with payday loan apps

Status
Not open for further replies.

gaiashakes

Forum Veteran
Joined
Nov 10, 2016
Posts
704
Reaction
3,029
Points
721
:) Happy work week ulit mga ka-PHC! Normally nasa books section ako lagi, pero today share ko lang to para sa mga mahilig sa APPS at PERA... which means TAYONG LAHAT mga boss :)

Share ko lang din yung experience ng tropa ko.

If di kayo familiar sa Payday Loan apps, ito mga examples mga bossing: Tala, Fast Cash, Moola, Peso Loan...
Tinawag na Payday Loans kasi you're expected to pay after 15 or 30 days (usually payday).

Ito yung mga apps na pwede ka maka borrow ng konting cash for emergency. Too low, minsan as low as PHP 500-1,000, magkakaron ka ng false confidence na kaya naman bayaran later kasi maliit lang. Kaso ang problem with these companies lumalagpas sila sa ceiling na allowed by Bangko Sentral ng Pilipinas for the interest rates per day or month at madaming hidden charges and terms na tsaka mo pa lang malalaman AFTER ka naka utang.
  • Sa friend ko, nag borrow ng 1k umakyat ng 7k after 28 days na overdue
  • Nag try ng isang app last year tapos nakalimutan na. Nawalan ng sim kaya di ma contact
  • Nag sesend sila ng messages sa references mo PLUS lahat ng contacts sa phonebook mo
Careful tayo mga repapips lalo na sa pangatlo. Ibig sabihin non pag nag ask sila ng permissions pagka install mo ng app, kumukuha sila ng personal data mo at ikaw mismo nag agree maka access sila sa phonebook mo.

Mataas ang chance makapasok dito mga bossing kapag ma detect ng app na madami kang numbers sa phonebook mo like 100-1000 contacts. Kasi gagamitin nila yan at pang sendan nila ng messages para takutin ka.

Paalala:
  • Mag check po lagi ng permissions bago mag install ng kahit anong app
  • Mataas ang interests ng payday loans. Kung may emergency, mas mabuti nang sa iba nalang.
  • Kung kailangan talaga, wag po tayo mag borrow ng mas mataas pa sa kaya natin bayaran sa araw ng bayaran
  • Payday loans are good for small amounts lang pag hindi mag overdue
  • Kung may mag offer sa inyo by text and call, i-record nyo yung conversations and calls habang tinatanong nyo sila about their terms and hidden charges so you can use it against them
  • Hindi po kayo nyan ipapabarangay, kasi they have violated several BSP consumer laws. They can do worse kasi wala silang mapepera sa inyo if ipabarangay kayo (ridiculous overdue fees, service fees, very high interest rates)
  • As much as possible, wag nalang kayo mangutang kung di naman matter of life and death ang situation.
  • At wag kalimutan magbayad on time para di magalit ang papa loan sharks!
I have payday apps on my phone, just there in case my emergency. I recommend Tala and Moola. Moola is worse in some aspects pero they have a prolongation fee kaya mabait din naman si Moola.
 
Last edited by a moderator:
tama,. pati itong mga ka officemate ko din aliw na aliw mangutang sa mga yan.. like tala at akulaku etc. ginawa pa ako ng reference nila kaya ngayon text ng text ng mga offers and advertisement nila.. malamang napasok ang cp nun..
 
Di ko magets to :(

Mga apps ng mga nagpapautang boss

True, may natatanggap din akong mga ganyan boss. May iba rin tumatawag. Grabe sila maka breach
 
Text ng text sakin yan recently. Di ko pinapansin up to 5000 pesos. My pinapadownload sakin na app ayaw ko baka virus kasi
 
Mga apps ng mga nagpapautang boss

True, may natatanggap din akong mga ganyan boss. May iba rin tumatawag. Grabe sila maka breach
Sakin tadrad ako ng text.. gaya nito..nakakabwisit..

Tapos nung nicheck ko to, maraming panget na reviews.. puro nagrereklamo sa bastos na collector at mataas na interest.. kaya beware guys..
Screenshot_2019-01-28-14-40-41.png
 
Attachments

Text ng text sakin yan recently. Di ko pinapansin up to 5000 pesos. My pinapadownload sakin na app ayaw ko baka virus kasi

Kalimitan boss wala naman virus nasa Google Play pero nag bbreach sila ng privacy tsaka kumukuha ng personal data mo tsaka contact numbers. Ingat.2x lang tlga boss, share din sa friends and family mo para makaiwas sa sakit ng ulo
 
Sakin tadrad ako ng text.. gaya nito..nakakabwisit..

Tapos nung nicheck ko to, maraming panget na reviews.. puro nagrereklamo sa bastos na collector at mataas na interest.. kaya beware guys..
View attachment 544456

Oo boss ganyan tlaga, madaming marketing texts. Minsan iniiba-iba nila ang pangalan pero same company. Tulad ng Moola which is yung dating Doctor Cash
 
Mag ingat din po sa pagbigay ng mga info nyo sa kahit anong apps na hindi registered sa banko sentral ng pilipinas, may tendency gagamitin nila yang info na binigay nyo para maka utang sila sa iba. Magugulat ka nalang isang araw na may utang kana tapos hindi ka naman nangutang.
 
Thanks boss. Di ko naisip yon. May list ba somewhere ng mga BSP-registered companies/apps?
 
At may e share din ako sa inyo na experience ko to, madami kc akong sim Alam nyo na haha, one day isang araw may tumawag sa isang sim ko na ginagamit ko lang sa pag farm ng load, Yung tumawag ay naniningil ng utang may hinahanap na hindi ko naman kilala, inusisa nya talaga ako, nagtanong sya kung ilang months ko na daw gamit tong sim na tinawagan nya, eh sabi sometimes ko lang ginagamit kasi nga ginagamit ko lang to sa pag farm peru Hindi ko sinabi sa kanya Yun! At dami pa nyang tanong! Duda ako nagbigay ng random # yung nangutang siguro sa kanila. Hindi ako sure Peru yun hinala ko. Pinatayan ko nalang tawag madaming tanong eh. Hahaha
 
Kung ako nyan, nag troll na ako :) Thanks sa info boss
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top