im not reading other version of bible rather thatn kjv and rsv sorry new translation of bible is bad for us
and still di na open ang yt link so mag focus nalang ako sa pc section baka ma elite ko dito thanks for argue with me di kana leecher
Well, I suggest na wag ka lang magstick sa isang version ng Bible .. dahil dya'n mo mapagkukumpara kung ang sinasabi ng Bibliya ay tama at hindi .. Ang totoo, gumagamit nga kayo ng Hebrew and Greek sa pag-aaral ninyo pero bakit hindi ninyo ikinukumpara ang ginagamit ninyong Bible sa ibang salin ng Bible?
Hindi ko sinasabing close-minded ka pagdating sa paggamit ng iisang Bibliya lang sa pagbabasa ng Bible .. pero, kung mananatiling nakasara ang iyong mata sa iba pang bersiyon ng Bible dahil lamang sa paniniwala sa sinasabi ng isang taong lubos mong hinahangaan dahil sa mahusay magpaliwanag ng Bibliya .. I think, nahahadlangan nito yung kaisipan mo na tingnan ang iba pang puwedeng gamitin para masuri mo nang husto ang Bibliya ..
Suggestion ko lang naman yan .. Ikaw pa rin naman ang magpapasiya ..
new translation of bible is bad for us
Hindi ko maisip kung anong principle sa Bible ang sumusupport sa punto mong ito pero kung iyan ang iyong pinaniniwalaan, nirerespeto ko ang iyong paniniwala po ..
And again, kung wala namang proof mula sa Bible na ang pangalang Jehovah ay mali .. Huwag na ninyo pang ipagpilitan ito sa amin o sa mga mambabasa .. Dahil ang kawalan ninyo ng patunay mula sa Bibliya, at kung susuportahan lamang iyan ng mga YT Link at iba pang source mula sa Internet, eh masasabi kong hindi iyan
convincing proof para sabihing tama ang inyong mga argumento hinggil sa inyong mga ipinaparatang at mga sinasabi sa amin tungkol sa paniniwala namin sa pangalan ng Diyos, na mali ito, ayon sa inyong mga paniniwala ..
Sinisikap naming suportahan ang aming mga argumento sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ng Bibliya at pagsusuri sa iba pang mga mapagkakatiwalaang source ..
Sana ay maintindihan ninyo ang bagay na ito .. Hindi namin nais na makipagdebate o makipag-argumento .. Ngunit kung nakikita namin na ang inyong sinasabi at itinuturo ay hindi kaayon ng sinasabi ng Bibliya, sisikapin namin na maituwid kayo .. Ngunit nasa sa inyo pa rin ang pagpapasiya kung maniniwala kayo or hindi ..