What's new

Best Technique sa pag review

iamj

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 8, 2022
Posts
1,746
Reaction
2,168
Points
909
Midterm exam na po namin bukas sa Understanding the Self, and super daming dapat sauluhin, like yung mga philosophers at kung anong paniniwala nila.

May ma-share po ba kayong technique sa pag review?
 
If anything, kung ang goal mo is to really get that highest grade sa exam sa subject. Kailangan mong mag-allocate talaga ng the necessary time and effort sa pag review. I recommend the space repetition method at by using flashcards din sa Quizlet can enhance your retention sa mga concepts; I believe super effective talaga noon.

In your case, dahil bukas na yung exam niyo, and I'm assuming napakarami pang need imemorize, I suggest na magfocus ka doon sa main topic nalang or pointers ng exam niyo bukas; 'yon ang pagtuunan mo ng pansin na subukang imemorize. Pwedeng gawin mo, magsearch ka sa Quizlet ng mga flashcards about the topics, lalo kung naaaral mo na dati pa yung topic na yon.

If first view pa yung topics at ngayon mo lang babasahin pero kaya pa sa time, try to accomplish reading the whole topic, tapos i-write down mo sa papel lahat ng natutunan mo. Pag dating sa mga dates na imememorize, mahirap talaga 'yon. It's best to remember them by attributing the dates sa mga events na naganap sa mga date na yon.
 
hirap din me pag names at terms isasaulo

paulit ulit ko nalang binabasa hehe

pag math naman, better na isulat formula nang paulit ulit
 
pomodoro technique 25 mins focus sa review 5 mins break, rinse and repeat lang para di maburn out. use flash cards to test your knowledge
 
nung nag-aaral pa ako, nakikinig lang ako sa lofi music tapos sobrang baba lang ng volume(mas okay kapag naka headset or earphone). personally, mas nakakapag focus ako sa binabasa ko.
 
Ito para sa akin lang ha since ito yung efficient way para sa akin mag-review para sa mga exams ko noong nag-aaral pa ako para makakuha ng high exam scores.

- Kumain ng Nuts o Mani. Ayon sa pag-aaral ang pagkain ng mga ito ay nakakatulong sa pag-improved ng memory. Kaya ako always ako bumibili ng mga mani araw-araw kung may madaanan sa kalsada.

- Kumain ng Marami at Matulog ng maaga, iwas pc,gadgets a day before exam. Kailangan may enuogh sleep ka at least 6-8 hours of sleep.

- Matulog ng eksatong 6 pm at gumising ng 2 am (8 hours of sleep). 2 am ang best time ko for para mag-start mag review at gumawa ng mga pointers sa isang bond paper or pad paper.

- Sa pagsusulat ng mga pointers e ang ginagawa ko kinukuha ko lng yung mga terms ex: "It is the muscle found in the heart" ang isusulat ko naman ay "Cardiac Muscle - Heart". Para mabilis ko ma-recall. Once nakagawa na ako ng mga pointers ko ay binabasa ko ito ng paulit ulit mula bahay hanggang papuntang school. Meaning kahit nasa byahe ako binabasa ko ito.

- Last, kumain ng full meal sa umaga bago pumasok sa school. Pinaka importante yan na may laman ang tiyan natin para makapag function ng maayos ang brain natin at mag-hydrate ng maigi..

Ulitin ko lang, ito ang naging way ko para makakuha ng passing scores sa exams. Hindi ako yung student na nagsusunog ng kilay sa pag-aaral, ako yung tipo ng student na chill lang, mas maraming social time... Pero dahil sa ginagawa kong ito ay awa ng diyos nakapag-grad naman ako ng college dahil dito :LOL:
 
gawa ka reviewer tas kabisaduhin mo lahat tas pag okay na, isulat mo lahat ng hindi tumitingin sa ginawa mong reviewer.
 

Similar threads

Back
Top