para sakin wala akong pinag sisihan na ibinoto ko si bbm. kung sa presyo lang ng mga bilihin sa ngayun ang titignan natin, totoong napaka taas ng bilihin sa ngayun. pero ang tanong, ano nga ba ang mga dahilan baket mataas ang mga bilihin? una na dyan ang buying power ng consumers. mas mataas ang buying power ng consumer, mas mataas ang demand.. pag mas mataas ang demand, mas mataas ang presyo. paano nga bang lumakas ang buying power ng consumers? una, sweldo, kaya hindi basta itinataas ang sweldo, bukod sa di kakayanin ng mga entrepreneur, yan ang isang dahilan.. kailangang balanse ang sweldo at hindi pwedeng tumaas ng biglaan dahil tataas din ang demand ng mga products. noong panahon ni prrd, itinaas nya ng doble ang mga sweldo ng mga pulis at sundalo. sa ibang sector din nagkaron ng increase. pangalawa, petrolyo.. pag mataas ang petrolyo, which is hindi hawak ng gobyerno natin ang merkado ng petrolyo at sumusunod lang tayo sa taas baba nyan, wala tayong control dyan. kung mataas ang petrolyo natural na magtataas din ang presyo ng pag aangkat ng mga produkto. hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na may giera sa ukrain at russia na talagang napaka laki ng epekto nito sa merkado ng petrolyo. sa mga nag aral ng economics, iba ang tingin nila sa kasalukuyang sitwasyon ng economiya ng pinas. kabaliktaran sa mga ordinaryong pilipinong gaya natin. sa ibang bansa gaya ng singapore, triple ang presyo ng mga bilihin kumpara sa pilipinas. nakikita nyo bang masama ang economiya ng singapore? hindi diba? hindi lang singapore.. maraming bansa ang ganyan kasama na dyan ang japan, at mga bansa sa europe. ngayun sasabihin natin, eh malalaki mga sweldo doon eh kaya ok lang.. dyan nyo na makikita yung sinasabi kong buying power vs. comodities. yan ang magandang halimbawa. dito sa pilipinas, mabubuhay ka at makakakain 3 beses isang araw, mababayaran mo mga bills mo kahit iisa lang ang trabaho mo at 8 or 9 hours ka lang nagtatrabaho. sa ibang bansa, hindi ka mabubuhay doon ng isang trabaho lang. mas malala ba sa pinas nyan compared sa mga nakikita nyong maayos na bansa?
ganito lang yang mga tropa.. pag mababa ang sweldo mo, humanap ka ng mas mataas na sweldo. hindi natin dapat iasa sa kung sinong herodes ang buhay at kabuhayan natin. sarili lang natin ang makakapag bigay ng ginhawa sa atin. maraming nagtatrabaho dito sa pinas na malalaki ang mga sweldo, kung ikaw hindi ka makakuha ng ganun gaya sa iba, ang problema is ikaw mismo. it's either kulang ang skills mo para sa ganung klaseng sweldo or kulang ka sa drive para ilagay mo ang sarili mo sa mas magandang posisyon sa buhay.