What's new

Battery para sa Realme 6/6i, nilagay sa Mi A2 Lite ko. Any thoughts?

D

Deleted member 2363845

Guest
Hello mga ka PH Corner. May question po ako.

It is possible na ang battery na BLP757 ay salarin kung bakit hindi accurate yung percentage reading ng Mi A2 Lite ko? Nag iba yung behavior ng battery ng phone ko noong simula kong pinapalitan ko yun sa tech.

Bali yung nangyari, no probs naman sa unang paggamit ko nun. Kaso, noong pumalo siya sa 30 percent, bumilis agad yung drainage ng phone ko nang biglang bumagsak agad sa 25 percent, nag 15 pa, hanggang sa nag shutdown nalang bigla ng phone ko. Sa 1st full charge ko, di lumagpas sa 84 percent yung charge ng phone ko. But rather, naka indicate sa homescreen ng phone ko is "Charged" na, instead na dapat charging rapidly pa yun dahil di pa yun full. Saka lang nag fully charged pag hinugot-insert ko yung charger ng phone ko nang ilang ulit dahil konti lang itinaas ng percentage niya kung kailan ko siya nai plug uli. Noong nag full na siya, ginamit ko na uli yung phone ko. But sadly, di lumagpas sa 3 hours yung screen on time yung phone ko.

So, lumapit uli ako sa tech para matukoy yung problem na iyun. And after ng mga ilang oras, sinabi sa akin ng tech na yun is yung possible na problem daw is yung charging port mismo ng phone ko dahil may kalawang na at need pang diinan daw para ma charge fully, which is disregard sa akin yun dahil pumapalo pa yun ng 1.4A yung current ng pag charge nun habang 30-70% palang. Tinesting niya pa na oks naman daw yung battery na ni replace niya. Bago ako umalis sa tech, tinanong ko if BN47 yung nilagay niyang battery. Unfortunately, sabi niya na BLP757 yung nilagay niya sa phone ko na pang Realme 6/6i, na pwede daw yun sa phone ko.

So, noong tinesting ko naman, and oks naman sa simula again. Noong nag 41 percent na siya, saka ako nag Mobile Legends. Sadly, na AFK ako gawa ng namatay agad yung phone ko noong pumalo na siya ng 28 percent. Noong kinabukasan uli, ganun parin nangyayari tulad sa simula.

So, my question again is, it is possible na BLP757 yung salarin ng problema sa battery percentage ng phone ko? Kaya yun ma fix via replacing it with BN47 na pang Mi A2 Lite talaga? I think, yun ang suspected kong problem gawa ng ganun na yung behavior nun simula noong pina palitan ko na yun sa tech na yun. Pangalawa, impossible na charging port yung problem nun dahil pumapalo pa sa 1.4A yung current nun kahit idle lang yung pag plug ng phone ko. Lastly, I think na iba na yung behavior ng percentage ng battery ng phone ko gawa ng iba yung BMS ng BLP757 na intended yun para sa Realme 6/6i.

Maraming salamat po sa inyong response.
 
Yes, po mali yung battery na, ni replace nang tech, dapat kasi same lang battery kung BN47 yung model nang battery mo..
 
dapat same capacity ang nilagay nya po para walang problema
 

Similar threads

Back
Top