What's new

Bakit hindi na lang gumawa ng maraming pera ng Pinas?

Ito and dahil tatamad lalo ang mga pilipino, isipin daming pera bawat tao. tanong? Sino na ang magsasaka, mangingisda at iba pa mawawala. Ang pera di nakakain kaya bagsak pa rin ang economiya. Kaya may control ang goberno sa pag.produce ng pera lodi.. hehe
 
Hindi pwede un mga sir pag gumawa tayo ng unli money mawawalan sya ng kwenta kaya walang ganun boss
 
nyehehe.. hindi ganun lods, pag nagprint ka ng maraming pera, lalong bababa value ng pera dito sa pinas. nagyari na yan sa ibang bansa, diko lng maalala kung saang bansa... kaya yung pera nila parang papel nlang sa kalye dami nagpapalit.
 
kayang magprint ng BSP ng maraming pera at ipamigay pero ndi nila pwedeng gawin yun. Bakit ndi pde?

kaunting trivia muna tayo:
Kung naaalala nyo ang 'MickeyMouse Money'. Yan ang ginamit ng mga hapon nung sinakop nila ang Pinas para palitan ang ginagamit na currency system na ibat iba ang hugis, disenyo, laki, at bigat ng mga pera(ndi pa kasi uso nun ang papel na pera kundi ang gamit nila gold or silver coins) na ginagamit sa pambili ng mga kinakailangan nila sa panahon na yun. Ngayon nung umikot na yan sa merkado, ndi nila nasuportahan ang value ng japanese notes which is dapat may gold reserve ang gobyerno. Dahil jan nawalan ng halaga ang pera nila at saglit lang umikot sa sirkulasyon. Ganyan ang nangyari sa bansang Venezuela kaya kung mapapansin nyo halos itapon na nila/ talagang tinapon na sa kung saan saan ang kanilang pera.

Ganyan ang mangyayari sa Pinas kung ndi nila makokontrol ang pagpapalabas ng pera sa sirkulasyon. Maraming magiging pangit na epekto sa ekonomiya ng ating bansa tulad ng inflation, mawawalan ng value ang currency natin, atbp.
 
Di yan basta2x ka lang mag print ng pera lods, kasi pag madami masyadong perang inimprenta bababa ang value ng pera natin lods. Tulad ng nangyari sa Venezuela yung government nila nag imprenta lang ng nag imprenta ng Pera. Ang nangyare pag bibili ka ng Lechon Manok yung dami ng pera na kakailangan mo para makabili ng Lechon Manok hindi na kakasya sa maleta.
 
Kapag ang mahirap at isama mo na Ang pulubi at mayaman maraming pera sa pinas, baka lahat mag bilihan ng bigas, kapag maraming bumili ng bigas, sigurado marami din Hindi makaka bili ng bigas kahit marami Kang pera dahil lahat kayang bumili ng bigas, kahit maraming pera. Hyper inflation tawag dyan.walang halaga ang pera kung walang bigas na mabili, dahil lahat ng tao mayaman , mahirap at pulubi maraming pera at mag aagawan sa bigas, na kung saan kaya lahat makabili dahil sa ang daming pera.
 
Walang iikot na pera kung lahat magkakaron. .
Gawin ko example ang AXIE. . Sa dami ng nagbreed wala na umikot ng pera para bilin items o axie ng creator kaya bigla bagsak ng value. . ganun din sa pera. .
 
me equivalent na dollar or gold reserve ang pag issue ng pera sa circulation kundi magiging play money ang pera natin. hehe
 
To pay debt:
the debt is not in peso and printing a foreign currency is an act of war

To construct infra:
money will circulate from those involved in the construction, when it circulate dadami ang pera ng tao at kasunod is inflation leading to continuous decrease in currency's value
ikaw na naman. haha.
my malupit akong tanong sayo.
anong ginagamit na currency ng isang bansa para magbayad ng utang from one country to another?
 
ikaw na naman. haha.
my malupit akong tanong sayo.
anong ginagamit na currency ng isang bansa para magbayad ng utang from one country to another?
the currency wanted by the lender, Russia has ordered its oil be ρáíd in rubles to strengthen its own currency amid sanctions
 
wHy cAn't wE jUst PriNt mOrE MoNeY?
Taena sana nasa Grade 10 AP naman ang sagot nito. Basic economics. It simply devalues the currency that we have, making it a lot more worthless. Kinda like noong naka abot sa 20 pesos ang isang piraso ng face mask dahil sa laki ng demand at kulang na supply. Ngayong marami na ang supply at kaunti na ang demand, 20 pesos nalang ang 50 pieces na mask. So the more you print money for circulation, the money will eventually depreciates since paunti ng paunti ang value nito.
 
Back
Top