Alam mo TS kahit gaano pa kahirap ang magmove on kailangan mo talaga itong gawin dahil mas mahirap ang maging broken-hearted forever. Unahin mo naman ngayon ang sarili mo! Tama! Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Isipin mo na may ilalaan si God para sayo na mas better pa sa kanya na kinabaliwan mo ng sobra sobra... Hindi ko maintindihan, ano bang pinakain sayo ni Neneng B at baliw na baliw ka! Move on na Paps isipin mo naman ang sarili mo!
Lika inom tayo... Lasheeeengggg na ako! Nakakarami ka naaaa... Hahahaha.. Minahal mo e, minahal mo ng sobra natural magiging ganyan ka, hindi mo kinontrol ang manubela mo bira lang ng bira pero wag ka naman masyadong mag-paapekto Paps. Napaka-aga pa para mabaliw sa isang taong pinadaan lang naman sa buhay mo. Madami namang iba, hindi mo lang siguro nakikita dahil nakafocus ka lang sa kanya...
Tip ko lang sayo TS, tandaan mo ito ha baka lang naman (hindi ko lam ang nasa kalooban mo) baka kaya hindi ka makamove on kasi hindi mo ito naiisip, "TS, forgiving people who have hurt you is not a sign of weakness". Hindi rin naman sinasabi na tama lahat, kundi paraan lang ito to get you off the hook. You cannot start a new life kung meron ka pang poot sa ****** mo kasi nga nasaktan at hindi maalis alis sa isip mo at puso sya. You have to forgive and pray kung ano man ngyari sayo...
At ikaw naman, kung may nagawa ka ding kamalian that contributed to what you’re feeling right now, huwag mo din kalimutang patawarin ang sarili mo. Keep in mind that you have today to make up for it.
Ano ba talaga ang meron kay Neneng B at nasisira ng bolyas mo Paps... Mahirap maubusan ng battery Paps maikli lang ang buhay ng tao... Eenjoy mo lang habang nasa mundo kang ibabaw... Goodluck sayo Paps..