[XX='Kuring, c: 1346183, m: 262179'][/XX]
may tanong ako, kung di nagsariling tayo si Charles Russel ng sarili niyang grupo ay susulpot ba ang Jehovahs Witnesses noong 1870s?
Well, una, wala namang Jehovah's Wienesses noong 1870 e. Ang tawag kila CTR at sa mga kasama niya ay "Bible Students". Know your fact muna kasi Kuring tungkol samin hehe.
Pangalawa, kung hindi man si CTR ang nagsikap pag-aralan ang bible noon, tiyak na may gagamitin si Jehova na ibang tao para pag-aralan ang bibliya at ibahagi sa mga tao kung ano talaga ang itinuturo ng bibliya.
Ang sinabi ko na yan ay sagot sa tanong mo na "KUNG", kaya sinagot din kita ng "KUNG".
kung mula pala sa founder ay puro mali2x na ang mga doktrina at aral ay paano na kaya sa mga myembro? Dito natin makikita na si Charles Russel at ang tinatag niyang simbahan ay hindi pala ginagabayan ng Espirito Santo.
Normal lang iyon. Sinabi ng Kawikaan 4:18 na "ang landas ng mga matuwid ay gaya ng maningning na liwanag sa umaga, Na patuloy na lumiliwanag hanggang sa katanghaliang-tapat."
Ang punto, on-going process yan. Lilinaw ang pagkaunawa ng matuwid sa mga layunin ng Diyos. Parang yung ilan sa mga TAPAT na lingkod ng Diyos noon. Halimbawa si Daniel. Humula si Daniel ng ilan sa mga mangyayari sa "panahon ng kawakasan". Ang sinabi ng Diyos kay Daniel sa verse ng Daniel 12:4 ay...
"ilihim mo ang mga salita at panatilihing natatakan ang aklat hanggang sa panahon ng wakas".
At kapag binasa mo yung verse 8, sinabi ni Daniel na hindi niya ito naintindihan. Ang sagot ng Diyos ay mananatiling natatakan ang hulang iyon hanggang sa panahon ng wakas. Sa pagkakataong iyon, doon lang ito maiintindihan ng mga TAONG MATUWID at TAPAT.
Ang point ko: Sinabi sayo ni Ace na may mga turo noon na kalaunan ay binago kasi mali. Halimbawa yung birthday, pasko, mga fiesta at iba pang kapistahan, paninwiala sa krus, at marami pang iba. Dati naniniwala pa jan ang mga Estudyante ng Bibliya na kalaunan ay naging mga JW, pero NOONG matutuhan at MAINTINDIHAN nila sa bibliya na ang mga ganong paniniwala ay MALI sa paningin ng Diyos, BINAGO namin ang paniniwala namin dahil gusto naming maging KAAYON ng paninwiala namin kung ano ang itinuturo talaga ng bible at ano ang inaasahan ng Diyos na makita sa bayan niya.
Kamusta kayo? Ginagawa niyo parin yang mga paniniwala na yan diba? Bakit? Yes, dahil sa tradisiyon. Mismong pope niyo na nga yung umamin na hindi totoo yung December 25 bilang birthday daw ni Jesus e. Pero bakit hindi niyo binabago paniniwala niyo? Sabagay, yung mga Matuwid kasi ay itinutuwid yung maling paniniwala. Pero dahil hanggang ngayon naniniwala parin kayo at pinagdiriwang parin ang pasko kahit na ito ay may pagan origin eh hmmmm...
Anyway, nasa inyo naman yan kung ayaw niyo baguhin ang paniniwala ninyo. Pero kami, handa kaming baguhin ang pagkaunawa namin kung sa paglipas ng panahon ay mas naunawaan namin ang isang paksa sa bibliya