Hindi ako Iglesia at hindi din ako solid na Katoliko (pero Katoliko ako by birth). Napansin ko lang na darating sa election nagkaroon na naman ng dividing line between Catholic and Iglesia. Naglabas na daw ng listahan ang Iglesia ng susuportahan nilang kandidato. Sa listahang ito ibang-iba sa mga nilantad ng Katoliko na ineendorse nila. Nagkataon ba o sinasadya? Sa mga ka-PHC na Iglesia, ano opinyon niyo ukol dito? Ako bilang Pilipino, iboboto ko ang kandidato na qualified upang mag-silbi sa bansa. Hindi yung dahil lang inendorse o inilista ng iba.