What's new

Trivia Ang mga tumatanggi sa gawain ng Diyos ang matatakan ng 666

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Ang mga tumatanggi sa Gawain ng Diyos ang tumutukoy sa tatakan ng 666

Ano ang ibig sabihin ng tatak ng 666___________

Ang pagtatak ay hindi nangyayari sa physical na katawan ng isang tao, bagkus ito po ay sa espirituwal mismo
Ang lahat ng mga nabihag ni Satanas ay tatatakan ng marka ng halimaw. Ano ang mga markang ito? Ang mga ito ay hindi palaging panlabas na marka; ang mga ito ay hindi katulad ng marka ng mga bilanggo noong unang panahon. Hindi, ito ay kapag naisulat mo na ang liham ng pagsisisi, kapag sumuko ka na kay Satanas, kapag nasabi mo na ang mga salitang lumalapastangan sa Diyos at itinatatwa ang Diyos, at naitala ng iba na ganito ka, sa gayon ay matatapos ka na. Ang lahat ng ito ay mga marka ng halimaw. Sa madaling salita, ang lahat ng ito ay mga katibayan na ikaw ay nabihag at nilunok ni Satanas, at ang katibayan ay ang marka.

Pahayag 13:18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at Anim na pu't Anim.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
“Nasabi Ko na: “Sa mga huling araw, lalabas ang halimaw para usigin ang Aking bayan at iyong mga matatakutin sa kamatayan ay mamarkahan ng tatak para tangayin ng halimaw. Iyong mga nakakita na sa Akin ay papatayin ng halimaw.” Ang “halimaw” sa mga salitang ito ay walang dudang tumutukoy kay Satanas na nanlilinlang sa mga tao, na ibig sabihin na kapag nakabalik Ako sa Sion, aatras ang isang malaking grupo ng mga taga-serbisyo, na ibig sabihin ay, tatangayin ng halimaw. Lahat mapupunta sa walang hanggang hukay ang mga nilikhang ito para tanggapin ang Aking walang hanggang pagkastigo.”

Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
( Mga Taga-Roma 12 : 19

SALITA NA GALING SA BAGONG LIBRO NA NAKA PROPESIYA SA
Pahayag 5:1, Pahayag 5:5, Daniel 12:4, at Daniel 12:10

💦Almighty God says,

🥺"Pagdating ng araw Ko, walang hanggan Akong magpapaulan ng Aking nakalalapnos na mga apoy sa mga anak ng pagsuway na minsang pumukaw sa matindi Kong poot, ipapataw Ko ang Aking walang hanggang kaparusahan sa mga hayop na iyon na minsang pumukol ng pagtuligsa sa Akin at tinalikdan Ako, susunugin Kong magpakailanman sa mga apoy ng Aking galit ang mga anak ng pagsuway na minsang kumain at namuhay kasama Ko nguni’t hindi naniwala sa Akin, na ininsulto at pinagtaksilan Ako.

Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat ng pumukaw ng Aking galit, ibubuhos Ko ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na iyon na minsang nagnais na tumayo sa Aking tabi bilang mga kapantay Ko subali’t ay hindi sumamba o sumunod sa Akin; ang tungkod na Aking hinahataw sa tao ay lalapat sa mga hayop na minsang nagtamasa ng Aking kalinga at minsang nasiyahan sa mga hiwagang Aking sinabi, at minsang nagtangkang kumuha ng mga kasiyahang materyal mula sa Akin.

🥺Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang nagtatangkang kunin ang Aking posisyon; wala Akong palalampasin sa mga nagtatangka na mang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin. Sa ngayon, nananatili kayong malaya mula sa kapahamakan at patuloy na umaabuso sa mga kahilingang inilalatag ninyo sa Akin. Pagdating ng araw ng poot, hindi na kayo hihiling pa sa Akin; sa oras na iyon, hahayaan Ko kayong “magpakasaya” hanggang sa gusto ninyo, isusubsob Ko ang inyong mukha sa lupa, at hindi na kayo muling makababangon.
 

Similar threads

Back
Top