What's new

Closed ₱800 In A Week

Status
Not open for further replies.

Quantum Supercomputer

Eternal Poster
Joined
Dec 23, 2017
Posts
740
Reaction
250
Points
339
Age
23
Iniisip ko last month yung nabasa kong post "pa'no kaya kung humingi ako ng tigpipiso sa isang milyon na tao?"

Habang nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip, naisip ko rin na wala naman akong ganun karami na kaibigan, at isa pa base sa mga bumoto sa siyudad namin nasa 80,000 lang sila, malaki-laki narin un. Pero ang nakapagtataka, sinong siraulo gagawa nun. Imaginin mo maglalakad ka sa buong lungsod para magkatok ng pinto at hihingi ng piso, enerhiya palang sa paglakakad lugi ka na. Kung sumakay ka naman sa jeep, lugi ka nang pamasahe.

Kakatingin ko sa ideya na 'to, lumabas ang isang dalaga sa harapan ko na para bang anghel na dumayo sa harapan ko. In short, may naisip lang akong magandang ideya.
Pa'no kung Tag-sisingko hingiin ko? teka masyado na ata un. Pero hindi na masama kung iisipin 5x80,000 eh 400,000 ang resulta, kaso ang problema, parang hindi yata sila namimigay, asahan mo na sa 100 na katao may kalahating di mabibigay sa ganyang halaga. Kaya naman Nilaliman ko pa, pinagdive ko ang utak ko sa malalim na kaisipan. Pa'no kaya kumita ng isang milyon, na 30% lng ng populasyon ang hihingian, sa madaling salita, pano ka magkakapera sa tatlong tao out of 10.

Kaya naman habang tulala ako, lumabas ang demonyong anghel sa gilid nang braso ko. "Lokohin mo sila."
"Nakawan naten"

Lumabas sa kabilang braso ko ang isa pang anghel.
"Sa legal na paraan"
"nakawan mo sila"

Parehas silang demonyo, play safe ang yung isa.

Kinabukasan nagsuot ako nang long sleeves, slacks, black shoes at nakagel na buhok. Sa unang tingin, parang frontrow ang itsura ko, pero hayaan mo na. Maliban sa pormahan na yan, may hawak rin akong gitara.

Nagpakalayo-layo ako. Habang may dalang bag na puno nang envelop.

Sa unang tindahan, kung san una kong nakita, pumwesto ako, at tumugtog ng christian song. Dati rin akong singer, kaya maayos naman sa tenga. Pagkatapos nun, saka ko binigay ang envelop sa kanila. Pagkalipas ng isang minuto, binalik nila saken. Nagpasalamat ako paalis, at dahan dahang binuksan ang envelop. Pero kahit di ko na buksan, alam kong 20 pesos ang laman, base sa kulay.

Nagpatuloy ang journey ko sa buong week, hanggang sa nakaipon ako ng 800 pesos.
626104

Salamat sa pagbabasa, mabuhay ka, amen.
 

Attachments

Mahirap kasi maghanap ng trabaho ngayun, kaylangan dumayo ka pa, ako nga college graduate panay tres grades ko. Hanggang ngayun wala paring trabaho, panay laging sinasabi tatawagan na lang ako. Nice yan master, kesa nman magnakaw ka.
 
Mahirap kasi maghanap ng trabaho ngayun, kaylangan dumayo ka pa, ako nga college graduate panay tres grades ko. Hanggang ngayun wala paring trabaho, panay laging sinasabi tatawagan na lang ako. Nice yan master, kesa nman magnakaw ka.

Anong course mo? Tsaka ano ba balal mo? Pribado o gobyerno?
 
Nice ayos yung ganito kesa mag ML maghapon hahaha. Nahahasa pa talento mo sa pagkanta tuloy mo lang TS tapos pag sumikat kana balatuan mo kami :)
 
BS in Civil Engineering master kaso d pa ko lisensyado. Hirap pag d pasado sa board exam.

yun lang, kung inline talaga sa civil eng, mahihirapan ka maghanap.
kung gusto mo, maghanap ka muna ng mga part time para matustusan ang pagrereview mo.
may makukuha ka na work na 4 year course ang required, hindi nga lang pang civil eng.
teka, sa mga cad company. yun pwede ka dun, di naman kailangan pala ng licensed nun.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top