Honorarium lang malamang kasi 'yang bayad sa kanila sa barangay, hindi sahod. Ang setup diyan, sa pagkakaalam ko, volunteer ang status nila kaya walang obligasyon sa kanila ang barangay na magpasweldo ng minimum wage. Ganyan din madalas ang bayad sa mga tanod, street sweeper, basurero, etc.
Syempre hindi makatarungan yun pero kung walang gaanong commercial activities diyan sa barangay, walang nasisingil na tax, ganyan lang rin kayang ibayad ng barangay.