1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Pinatay dahil gumagamit... ganito na ba talaga ang pinas ngayun?

Discussion in 'Stories, Fiction & Essays' started by thereal_slimshady, Aug 10, 2016.

  1. Hi mga ka ph.. May gusto lang sana akong ikuwento sa inyo.. Totoo po ito.. Na nangyari dito sa amin.. Mayron pong isang tao dito na na itago na lang natin sa palayaw na negro.. Itong si negro ang work niya po ay mag tanim ng gulay at mangalakal ng basura.. Meron po siyang anak na 3yrs old.. At asawa.. ang pangit nga lang ay may bisyo siya.. Gumagamit siya ng ipinag babawal na gamot.. Pero bukod dun eh ok naman siya.. Kasi wala naman siyang inaapakan na tao at piniperwisyong tao dito sa amin.. Like.. Kung tutuusin kung masama siyang tao gasino na lang na nakawin niya yung mga manok na medyo malapit lang sa barong barong nilang bahay.. alam niyo b na isang gabi.. Bumili siya ng gatas sa anak niya.. Ang hindi niya alam inaabangan na pala siya ng pulis dito sa amin.. Bakit ko nasabi na pulis? Eh kasi naman yung pulis na yun ay palaging nandito sa amin.. May kabit kasi dito yun.. Bale tatlo silang pulis... Unang ginawa nila nag takip sila sa mukha.. Para kunyari di sila makilala.. Ayun.. Pag daan ni negro bigla na lang binaril..
    Para lang silang bumabaril ng hayop..pg tapos umalis na lang sila na gamit pa yung mga motor nila na may tatak pang swat... Sa dami ng naka kita natakot na lang.. Na ituro sila.. Sobrang nakakatakot na talaga dito sa pinas.. Lalo na yung mga pulis.. Papatay sila ng tao tapos palalabasin na vigilante pumatay.. Di ba kayo nag tataka? Daming nahuhuling adik at napapatay pero kahit isang vigilante walang nahuhuli? Ano po opinyon niyo?
     
    partyanimal93 likes this.
  2. Okay naman talaga ang campaign ni pres Du30 against drugs, inaabuso lng talaga ng ibang mga pulis. Oh well.
     
    thereal_slimshady likes this.
  3. Ah may nangyari din dito na ganyan .malamang sangkot din sa bawal na gamot na yun ang mga pulis at para mapag takpan nila ang kanilang sariling interest pintuputol nila ang mga links sa kanila or pinapatay nila ang mga suki :D

    Yung samin nga konsehal pa ng lungsod ang pinatay ,condolence na lang ..si duterte na lang bahala sa mga abusado na pulis na yan..may araw din sila.


    Regarding naman sa patayan na nangyayari sa bansa natin ngayun ok lang yan para sakin kaysa naman sa palihim na nire-rape at sinasakal ng mga oportunistang mayayaman ang ating bansa.. kaya e boycott natin ang mga KULTONG DILAW:wtf::wtf:
     
    thereal_slimshady likes this.
Tags / Keywords: